^

PSN Opinyon

Tamang sahod sa tamang gawain

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Si Tony ay nagtatrabaho sa Philippine National Railways (PNR) bilang tagapangasiwa ng mga kargamento at pasahero. May sahod siyang P3,750 bawat buwan. Kasapi siya sa unyon sa kanilang CBA. Nakasaad na kapag ang isang tagapangasiwa ay malalagay sa mas mataas na puwesto, dapat itong bayaran ng kaukulang suweldo para sa mataas na puwesto.

Nang na-promote ang hepe ng Statistical Division Traffic Department na may suweldong P6,600, si Tony ang inilagay bilang pansamantalang hepe. Ngunit ang suweldo niya ay P3,750 pa rin at hindi P6,600.

Apat na taon niyang hinihiling na gawin na siyang permanente sa puwesto, ngunit hindi siya pinakikinggan. Ang malungkot nito, pinahiwatig pa sa kanyang binuwag na ang nasabing puwesto.

Nagsampa si Tony ng kaso at hiniling na gawin siyang permanente at bayaran ng kaukulang suweldo para sa nasabing puwesto na ginagampanan niya sa loob ng mahigit na apat na taon.

Tumutol ang PNR. Sinabing nang tinalaga siya sa nasabing puwesto, wala raw karagdagang suweldo. Sa katunayan nga, tinatanggap naman niya ang dati niyang suweldo na walang reklamo. Tama ba ang PNR?

Mali.
Totoo na noong tinalaga siya bilang hepe, walang karagdagang bayad sa kanyang suweldo. Ngunit ito’y hindi maaaring manaig sa sinasaad sa CBA kung saan nakalagay na kung ang isang tagapangasiwa ay malagay sa mas mataas na puwesto at gumanap ng tungkulin ng mas mataas na puwesto, dapat ibigay sa kanya ang suweldo ng nasabing puwesto. Ang pagtanggap ni Tony ng suweldo niya sa dating puwesto ay hindi nangangahulugang ipinauubaya na niya ang karapatang ito. Hindi kinikilala ng batas ang isang kasunduang tumanggap ng sahod na mas mababa kaysa sa dapat tanggapin. (MRR Union vs. PNR 72 SCRA 88)

APAT

KASAPI

NAGSAMPA

NAKASAAD

NGUNIT

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PUWESTO

SI TONY

STATISTICAL DIVISION TRAFFIC DEPARTMENT

SUWELDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with