^

PSN Opinyon

Pag hindi kaya ng doktor

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
Ilang beses binanggit sa akin ng albularyong si Ka Berong na may mga sakit na hindi kayang gamutin ng mga doktor. Nagtataka lamang daw siya dahil hindi pinadadala ng mga doktor sa kanya ang may sakit.

"Anong mga sakit sa palagay n’yo ang dapat ipadala sa albularyo, Ka Berong?" tanong ko.

"Iyong sakit na dinapuan ng masamang espiritu," sagot ni Ka Berong. "Halimbawa ang tinatawag naming bating lupa. Ito ay mga sakit na bigay ng mga nakatira sa lupa pero ayaw pa ring aminin ng mga doktor. Ito ang dahilan kung bakit may mga sakit na hindi magamot ng mga doktor at sa dakong huli ay napupunta sa mga albularyong tulad ko."

"Ilan na ba ang nagamot mo, Ka Berong?"

"Naku, libu-libo na mula nang naging albularyo ako. Pero mahirap matanto ang eksaktong dami dahil hindi naman ako naglilistang kagaya ninyong mga doktor."

Napahagikgik ako.

"Bibigyan na lang kita ng ideya kung gaano karami, Doktor. Ang dami ng pamilya ay 251. Ayon sa pagkakaalam ko ay tatlo lamang ang hindi pumunta sa akin kaya 248 ang total na pamilya."

"Sino ba iyong tatlong hindi nagpagamot sa inyo?"

"A ang mga iyon ay tatlong pamilyang mataas daw ang pinag-aralan at hindi naniniwala sa akin. Sabagay, kaya naman nila ang gastos kaya okey lang sa akin," sagot ni Ka Berong na may halong tuwa.

ANONG

AYON

BIBIGYAN

DOKTOR

HALIMBAWA

KA BERONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with