^

PSN Opinyon

Maraming alam si Ping tungkol sa jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY karapatang magsalita si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon Sen. Ping Lacson kung jueteng operations ang pag-uusapan. Kaya kapag binuksan ni Lacson ang kanyang bibig ukol sa jueteng, sumasang-ayon ang masa dahil alam nila tumpak ang pinagsasabi ni Ping, na isa sa mga iniidolo nila sa ngayon.

Karamihan kasi sa masa ngayon ay sa jueteng umaasa sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Kaya alam nila na ang pulisya rin ang nasa likod ng operasyon nito dahil sila ang nabibiktima ng ‘‘hulidap,’’ ‘‘hingi-huli’’ at iba pang kabuktutan nila. Alam din nila kung magkano ang lingguhang intelihensiya ang ibinibigay ng mga financiers nila sa PNP at iba pang sangay ng gobyerno ni GMA.

Kaya nang akusahan ni Lacson ang ating kapulisan na protector ng jueteng operations sa bansa, sumang-ayon ang masa. Totoo ang sinasabi ni Lacson dahil sa PNP din siya lumaki kaya’t abot niya ang pinagsasabi niya, anila. Ilan ba sa ating regional directors at hepe ng support units ng PNP na ayaw umalis sa puwesto dahil sa nanghihinayang sa sobrang laki ng salaping iniakyat sa kanila ng jueteng? Itanong n’yo yan mga suki kay Dir. Nestorio Gualberto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), C/Supt. Reynaldo Berroya ng Region 3, C/Supt. Domingo Reyes ng Region 4 at C/Supt. Ike Galang ng Region 5 at alam nila ang kasagutan.

Kaya nga hilong-talilong sa ngayon si PNP chief Dir. Gen. Larry Mendoza dahil hindi niya alam kung paano ipatupad ang malawakang reshuffle sa command niya eh gusto ng apat na ma-extend sila, anang masa. Ano ba ’yan? Kaya tama lang ang panukala ni Lacson na parusahan ng dalawang bitay ang mga opisyales ng pulisya na napatunayang protector ng jueteng. Ang mga PNP officials na pumiyok sa panukala ni Lacson ay tinawanan ng masa dahil alam nilang guilty sila.

Matunog kasi ang pangalan nila sa kalye dahil matutulis ang kolektor nilang pulis o sibilyan man. Pero sa tingin ko, imbes na ang pulisya natin ang pag-initan niya dapat ibaling ni Lacson ang kanyang atensiyon sa mga kolektor ng intelihensiya tulad ng grupo ng retiradong pulis na may hawak sa ngayon ng mga gambling lords sa buong bansa. Ang grupo rin ang umaaktong kolektor ng intelihensiya ng DILG, CIDG at iba pang sangay ng pulisya. Itanong mo kay Marlon na bata ni Int. Sec. Joey Lina at alam niya ’to, Sir Ping.

Kilala ni Lacson ang retiradong pulis na ito dahil noong PNP chief pa siya ay ginisa nito ang pangalan niya sa mga gambling lords. He-he-he! Kumita siya sa ’yo ng limpak-limpak na salapi gamit ang pangalan mo Sir Ping. Dapat ang grupo ng retiradong pulis ang ipatawag mo at gisahin sa Senado Sir Ping at sigurado akong kapag nakumbinsi mo silang magsalita, patutunayan nila ang akusasyon mo. Inaabangan ng masa ang aksiyon mo laban sa grupo Sir Ping.

ALAM

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAHIL

DOMINGO REYES

IKE GALANG

KAYA

LACSON

NILA

SIR PING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with