^

PSN Opinyon

Huwag nang pansinin si Erap

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI na dapat pang patulan ni President Gloria Macapagal-Arroyo si Erap. Maliwanag na pawang pakulo lamang ang ginagawa ni Erap upang makuha ang simpatya ng masa. Ilang ulit ko nang binanggit ito subalit patuloy pa ring binibigyan ng importansiya ang kapritso ni Erap na lumalabas pa nga ngayon na ang mga nasa administrasyon ang may kasalanan. Para bagang lumalabas na kinakawawa at pinagtutulung-tulungan si Erap samantalang siya naman ang nakakalamang.

Ito namang mga senador, congressmen at iba pang mga pulitiko ay panay naman ang sakay sa mga isyu na may kinalaman kay Erap. Kahit na walang mga kakuwenta-kuwenta ang mga palabas ni Erap ay binibigyang-halaga ng Kongreso at ng Department of Justice. Nito lamang mga nakaraang araw mukhang natuto na si Ombudsman Desierto sapagkat nilalabanan na niya ng harap-harapan si Erap at mga abogado nito.

Walang dahilan upang magpukpukan sina GMA at Erap sapagkat nasa hukuman ang mga kaso. Walang pakialam si GMA sa mga Korte kung kaya’t hindi dapat mag-alinlangan si Erap na iniisahan at inilulubog sa kanyang mga kaso.

Walang kabutihang maidudulot kung magpapadala si GMA sa mga palabas at paghahamon nitong si Erap. Hayaan na lang ni GMA na umatungal at suminghal nang suminghal si Erap. Huwag na niyang patulan. Tutal naman, alam naman ng buong mundo na Ibinigay na ni GMA ang napakaraming luho at benepisyo kay Erap na hindi naibibigay sa isang ordinaryong bilanggo.

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERAP

HAYAAN

HUWAG

IBINIGAY

ILANG

OMBUDSMAN DESIERTO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with