Pumatak ang ulan
March 12, 2002 | 12:00am
MULA nang sinabi sa akin ni Mang Senting ang tungkol sa palay na malagkit, napansin ko na ang bawat magsasaka ay may isang pitak na bukid at may tanim na malagkit. Ito pala ay mabilis anihin sa loob ng 100 araw matapos itanim. Samantala ang pangkaraniwang palay ay ginagapas pagkaraan ng 150 araw. Kaya sa Oktubre pag kailangan ang padasal ay mayroon ng malagkit na ihahanda para sa padasal para umulan.
Pinasabihan ako ni Mang Senting na may pinipigan sa kanila ng hapong iyon. Dumalo ako para makita at maamoy ang mabangong pinipig.
Habang nagbabayo ang kalalakihan, ang mga dalaga ay nagkukudkod ng niyog. Matapos iyon ay piniga ang katas.
Bigyan ng kakang-gata si Doktor, sigaw ni Mang Senting. Isang dakot na pinipig ang inilagay sa gata ng niyog at nilagyan ng kaunting asukal.
Habang kinakain ko ang pinipig ay nag-umpisa na ang pataasan ng ihi. Ang mga nakakatanda ay nagpayabangan na. Ang lahat ay tuwang-tuwa dahil sa nakaaaliw ang pagbibidahan.
Maya-maya ay narinig ko ang boses ng mga kumakanta. Palapit na ang prusisyon na pinangungunahan ng dalawang binatilyo na dala ang santong patron ng baryo. Dumaan ang prusisyon sa bawat kalsada at bahayan sa nayon. Lahat ay mataimtim na nagdarasal para pumatak ang ulan para sa kanilang tuyot na palayan.
Si Mang Senting ay lalong naging abala sa pagpapakain sa lahat ng sumali sa prusisyon. Kaya pala maraming pinipig ang kanyang inihahanda. Tatlong araw ang padasal.
Nang nasa siyudad na ako, nabalitaan ko na pumatak ang ulan pero ambon lang. Hindi sapat para sa sumasapaw na palay. Pero tama na iyon upang lubos na makita ng mga taga-baryo na hindi sila pinababayaan ng Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended