Sa kinder, primary at high schools,
Pati sa kolehiyo na pawang magastos
Pero sulit na rin pagkat nakaraos!
Nakaraos silang mga kabataan,
Sa asignaturang pinaglalamayan;
Dunong ay nakamit at ang karunungan
Ay yamang pamana ng mga magulang!
Magpaaral ngayon ay di gawang biro,
Ang mga magulang ay natutuliro;
Malaki ang tuition mahal mga libro
Pagkait allowance ay maraming libo!
Salamat na lamang at mayroong graduation
Na siyang tumapos sa pahirap noon;
Ang mga magulang ay masaya ngayon
Pagkat pagsisikap nagwakas na misyon!
Subalit paano ibang mag-aaral
Na naging pabaya sa gawaing banal?
Sila ay nagumon sa droga at sugal
Natutuhan nila mang-apit pumatay!
Kaya sa graduation sila ay malungkot
Hanggang kamatayay dadalhin ang record;
Silay kabataang ngayoy natatakot
Na baka ang bukas ay maging maramot!
At lalong malungkot, ang mga magulang
Na ang pagsisikap walang kabuluhan;
At ngayong graduation sila ay luhaan
Sapagkat ang anak nasa bilangguan!