^

PSN Opinyon

Graduation Day

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Marami ang kabataang ngayo’y magtatapos
Sa kinder, primary at high schools,
Pati sa kolehiyo na pawang magastos
Pero sulit na rin pagkat nakaraos! 

Nakaraos silang mga kabataan,
Sa asignaturang pinaglalamayan;
Dunong ay nakamit at ang karunungan
Ay yamang pamana ng mga magulang! 

Magpaaral ngayon ay di gawang biro,
Ang mga magulang ay natutuliro;
Malaki ang tuition mahal mga libro
Pagkait allowance ay maraming libo! 

Salamat na lamang at mayroong graduation
Na siyang tumapos sa pahirap noon;
Ang mga magulang ay masaya ngayon
Pagkat pagsisikap – nagwakas na misyon! 

Subali’t paano ibang mag-aaral
Na naging pabaya sa gawaing banal?
Sila ay nagumon sa droga at sugal
Natutuhan nila mang-api’t pumatay! 

Kaya sa graduation sila ay malungkot
Hanggang kamataya’y dadalhin ang record;
Sila’y kabataang ngayo’y natatakot
Na baka ang bukas ay maging maramot! 

At lalong malungkot, ang mga magulang
Na ang pagsisikap walang kabuluhan;
At ngayong graduation sila ay luhaan
Sapagka’t ang anak – nasa bilangguan! 

DUNONG

HANGGANG

KAYA

MAGPAARAL

MALAKI

MARAMI

NAKARAOS

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with