Agent 02-10 ng Malacañang, tinitiktikan ang mga NAIA reporters
March 9, 2002 | 12:00am
Isang agent 02-10 daw ng Malacañang ang walang ginawa kundi magkalkal ng mga records at dokumento ng mga reporter sa airport porke nabanatan kamakailan ng ilang diyarista ang isang Ponsong Nganga na sinasabing taga-Palasyo kaugnay sa mga kaduda-dudang ginagawa nito sa NAIA.
Binubuyangyang ni Agent 02-10 sa mga empleado sa airport na saradong bata raw siya ni Prez Gloria kahit noong pang senadora ito.
Sinasabing galing daw sa Malacañang ang appointment ni Agent 02-10 kaya lang sa opisina ni MIAA general manager Ed Manda ito itinalaga pero nagbago ang ihip ng hangin kaya napadpad siya sa isang sensitibong division sa NAIA.
May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na lahat daw ng request slip ng mga reporters airport ay pinabubungkal ni Agent 02-10 sa hindi malamang dahilan at gusto pa raw nitong alamin ang mga bahay ng mga reporters sa nasabing paliparan.
Ang akala ni Agent 02-10 ay panahon pa ng martial law ngayon porke medyo hilong talilong ito sa kakakalkal ng mga dokumento ng mga reporters na sinumite sa NAIA para sa kanilang legal na accreditation.
Agent 02-10 for your information panahon ngayon ng Abu Sayyaf. Hindi na martial law at ang mga tao ngayon ay marunong ng magreklamo hindi tulad noon na parang mga asong nakabusal ang mga bibig.
Bakit hindi ang record ng taong nagbulong sa iyo ang kalkalin mo para malaman mo ang transaksyon nito sa airport?
Ang mga reporters sa NAIA ay itinalaga para maghanap ng totoong balita para iparating sa taumbayan. Kung may mga request man silang nahihingi para sumalubong o maghatid ng kanilang mga amo, kaibigan, kapitbahay at kamag-anak ay legal ito dahil pirmado ito ng mga taong hindi questionable ang kredibilidad na inilagay ng pamunuan ng MIAA. Hindi katulad ng mga bumubulong sa iyo na walang ginawa kundi pakialaman ang mga trabahong hindi nila sakop.
Agent 02-10 kung sa palagay mo may derogatory records ang sinalubong ng ilang mga reporters sa airport ilantad mo baka makatulong ka pa sa paghuli sa kanila. Pero ebidensiyahan mo!
Sino ba iyang agent 02-10 na iyan? tanong ng kuwagong naghuhukay ng sariling libingan.
Ewan ko hindi ko kilala, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Masama iyan baka malagay sa alanganin si Manda pati ang Malacañang sa pag-espiya ni Agent 02-10.
Sa malayang pamamahayag lang tayo.
Korek ka diyan, kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended