Decriminalization huwag legalization
March 9, 2002 | 12:00am
UMIINIT uli ang isyu sa legalisasyon ng prostitution.
Hindi ko batid ang laman ng nilulutong bill sa Kongreso tungkol dito. Kung itoy legalisasyon, tutol ako.
Para bang ang shortcut laban sa ilegal ay gawin itong legal.
Pero okay sakin ang decriminalization cum rehabilitation.
Ang dapat parusahan ay yung mga bumibili ng aliw at hindi yung mga babaeng nagbebenta. Ang mga prostitutes ay biktima ng kahirapan. Sino bang ibig mag-puta?
Marami ang nilinlang ng mga recruiters. Pinangakuan ng marangal na trabaho, yun palay gagawing puta.
Ang mga kriminal ay yung mga recruiters, may-ari ng mga bahay putahan at ang mga tumatangkilik nito.
Sila ang dapat parusahan nang mabigat (kung maaariy bitay) to dissuade the perpetrators and kill the market for flesh.
Tama si Labor Secretary Pat Sto. Tomas. Unang na-misinterpret ang stand niya. Hindi pala legalization kundi decriminalization ang isinusulong niya tungkol sa prostitution.
Rehabilitasyon ang dapat ibigay sa mga prostitutes at hindi parusa. Turuan nang ibang mapagkakakitaan para di na ikalakal ang sariling dangal.
Kung walang pondo ang gobyerno, may mga pandaigdig na samahan na makapagbibigay ng suporta sa ganitong magandang layunin.
Marami ang gumagawa ng masama para makatawid sa kahirapan.
I pray that our legislators would not resort to the easiest way.
Noong 1978, nasa Netherland ako na bantog sa red light district sa Amsterdam. Nasa eskaparate ang mga babae. May itim, may puti, may oriental.
O, bili na! Walang raid, walang pulis na dapat katakutan kasiy legal.
Sa abalang lansangan naman ng lungsod, naroroon ang mga vendors tulad ng mga nakikita nating nagtitinda ng sigarilyo sa daan. Kaya lang, hindi yosi kundi hashish (isang uri ng drogang galing sa marijuana) ang kanilang inilalako.
Hindi garilyo-garilyo ang kanilang isinisigaw kundi "hashish-hashish."
Sa mga advocates ng legalisasyon ng mga ile-gal, maganda kayang mangyari sa ating bansa ito?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended