^

PSN Opinyon

Sec. Perez nadadawit sa bangayan ng ADD at INC

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MALAYO pa ang 2004 elections subalit sa ngayon pa lang ay nag-uumpisa na ang siraan na kung babalewalain ni Justice Secretary Hernando Perez ay maaaring makaapekto sa kung ano man ang balak niya. Ang tinutukoy ko ay ang balitang pini-pressure umano ni Perez ang prosecutor’s office ng Marikina City na sampahan ng kaso si Bro. Eli Soriano, ng Ang Dating Daan (ADD) at mga kasapi niya kapalit ng boto ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na 2004 elections. Ano ba ’yan?

Si Sec. Perez kasi, kung paniniwalaan n’yo ang ADD, ay may balak tumakbo bilang senador sa darating na eleksiyon kaya’t pikitmatang pinagbibigyan ang kahilingan ng INC para nga sa suporta ng mga ito. Nasa kainitan na kasi ng laban itong INC at ADD at marami ang sumusunod dito. Pati nga ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nadamay na sa sigalot na kung hindi kaagad maaagapan ay maaaring sumiklab pang lalo. He-he-he! Mukhang masalimuot talaga ang awayan na ito.

Wala sa akin ang paghusga kung sino talaga ang nagsimula ng gulong ito. Pero nitong nagdaang araw nadawit ang pangalan ni Perez kaya’t ’yan ang bigyan pansin natin. Noong Setyembre pa nangyari ang kasong tinutukoy ko kaya’t kapansin-pansin kung bakit interesado si Perez dito. Nagsimula ang gusot ng dumalaw sa bahay ni Dr. Albert Jimenez na isang ADD member, ang dati ring disipulo ni Soriano na INC na sa ngayon na si Bernardo Santiago. Kasama ni Santiago ang asawa niyang si Yolanda at ang isang Dr. Nancy Pascua, isang Katoliko na galit kay Soriano dahil na-recruit nito ang asawa niya.

Siyempre, dahil may circular ang ADD na huwag magpapapasok sa bahay ng tiwalag na miyembro ay hindi pinapasok ni Jimenez ang mag-asawa at si Pascua hanggang dumating ang ilan pang ADD at nagkaroon nga ng pagtatalo. Umalis ang grupo ni Santiago at kaagad nagtuloy sa police sub-station sa Bgy. Concepcion at nag-pa-blotter na binugbog sila ng grupo ng ADD.

Bumalik si Santiago kinabukasan kasama ang ilang INC officials at dinagdagan ang statement niya na pinagpapalo siya ng baril ng taga-ADD. Ang simpleng kaso ng physical injury ay dinagdagan ng gun-totting. Ang nakapagtataka, pagdating naman sa criminal investigation division ng Marikina city police at kasong frustrated murder ang isinampa laban sa grupo ng ADD sa piskalya. Nakapagpiyansa na ang taga-ADD sa naturang kaso. Kaya lang pati mga empleado ng prosecutor office ay nagsasabing grabe ang pressure sa kanila ni Secretary Perez para maimpluwensiyahan ang kaso. Hindi kaya nagagamit lang ang pangalan ni Perez sa sigalot na ito?

Sinabi naman ng grupo ng ADD na ang buong pangyayari sa kaso ni Santiago ay nakunan nila ng video camera na magpapatunay na walang bugbugan o paluan ng baril na naganap. Kayo na lang mga suki ang maghusga sa kasong ito. Ang gulo nila no? Kay Secretary Perez naman, kumilos ka na bago maging huli ang lahat.

ADD

ANG DATING DAAN

BERNARDO SANTIAGO

DR. ALBERT JIMENEZ

DR. NANCY PASCUA

ELI SORIANO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KAY SECRETARY PEREZ

MARIKINA CITY

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with