^

PSN Opinyon

Drama nina GMA at Erap, nakasisira sa Pilipinas!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SINASABI ng mga kakampi at tagapagsalita ni President Gloria Macapagal-Arroyo na nagdadrama lamang si dating President Erap Estrada. Ang script daw ay isinulat ni Jesse Ejercito, nakababatang kapatid ni Erap at isang movie producer.

Bahagi raw ng script ang paghingi ng pahintulot ni Erap upang ipagamot ang kanyang tuhod sa US. Drama rin daw ang pagpapaalis ni Erap sa kanyang mga abogado upang makuha nito ang simpatya ng mamamayan.

Ang sabi naman ng mga maka-Erap, ang nagdadrama raw ay si GMA. May sarili itong script at ito ang sinusunod sa pagpapatakbo ng pamahalaan at kung papaanong patakbuhin ang istorya na may kinalaman kay Erap at iba pang mga kalaban sa pulitika.

Talaga nga namang ang Pilipinas ay parang isang entertainment stage na kakakitaan ng sari-saring larawan ng buhay. May drama, aksyon, romance at comedy. May mga bida, kontrabida, comedians at mga co-starring at extras. Ang problema nga lamang ay hindi na nagbago ang takbo ng istorya. Pare-pareho rin ang mga eksena, props at locations. Ang nagbago lamang ay ang mga nagsisiganap.

May bahid ng katotohanan ang obserbasyon ng marami na drama lamang ang nagaganap ngayon sa ating bansa. Walang patutunguhang maganda ang Pilipinas kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon. Pakiusap ko lamang sa mga pulitiko ng magkabilang-panig, kung mahal n’yo ang ating bansa, magsitigil na kayo sapagkat ang talagang nasisira sa labanan ninyo ay walang iba kundi ang ating bansa mismo at tayo ring mga Pilipino.

BAHAGI

ERAP

JESSE EJERCITO

PAKIUSAP

PILIPINAS

PILIPINO

PRESIDENT ERAP ESTRADA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TALAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with