^

PSN Opinyon

Congressman nagbaon ng chiching sa isang conference sa Bangkok

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagbaon ng dalawang chiching ang isang congressman nang dumalo sa isang conference sa abroad?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mr. Rolly Estabillo ng Philippine Airlines; Ver Flores at Cecille Herrera.
* * *
Alam n’yo bang matulis pa rin ang isang congressman na malapit nang maging amoy lupa?

Nang ito ay dumalo sa isang conference ng inter-Parliamentary Union sa Bangkok, Thailand, nagbaon siya ng dalawang chiching. Pero bago kayo humanga sa kanya, hindi naman niya chiching ang dalawa. Yung isa lamang ang kanyang siyota at ’yung isa naman ay staff niya sa House of Representatives. Ginawa lamang niya itong cover upang hindi mabuking ng kanyang misis.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung sagot ng taumbayan yung gastos ng kanyang chiching at isang staff sa eroplano at iba pang expenses, hindi naman ipinasagot ang kanilang hotel bills.

Kasi, tinablan din yata ng hiya si Congressman kaya ang ginawa ay tumira silang tatlo sa iisang kuwarto sa hotel.

Grabe ka, Congressman! Ano naman ang ginawa mo sa iyong staff? Scorer?

Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ni Congressman na binaon sa Bangkok ay anak ng isang pulis. Siya ay isang Cebuana. Itago na lang natin siya sa pangalang Inday Florence. Siya ay morena at sexy.

Ayon sa aking bubuwit, ang congressmang matulis ay isang Bisaya.

Matigas din kaya ang kuwan... dila nito?

Siya ay beteranong pulitiko at kilala rin ng kanyang mga kaibigan bilang "tsimay killer".

Gumagamit siguro ng Tiramyd 500 si Congressman. Siya ay walang iba kundi si Congressman C.T. as in Certified Tulis.

vuukle comment

AYON

CECILLE HERRERA

CERTIFIED TULIS

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN C

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INDAY FLORENCE

ISANG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with