^

PSN Opinyon

Mapanirang suso

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NAMROBLEMA ang mga magsasaka dahil sa isang uri ng suso na sumisira sa kanilang pananim. Ang tawag ng iba ay susong Hapon. Ang iba naman ay tinatawag na susong Afrikano. Pero sa nayon, ang tawag sa suso ay bukyo.

Hindi makabili ng insecticide para sa bukyo ang mga magsasaka dahil ubod ng mahal. Hindi nagtagal, may natuklasang solusyon ang mga magsasaka. Ito ay ang pagbubudbod ng asin sa lupa. Kaya lang ay nagmahal ang asin. Mas mahal pa kaysa bigas. Ang kailangang asin para sa isang ektaryang palayan ay limang sako. Kapag minalas ay nauulanan hanggang sa matunaw.

Isang magsasaka ang nakaisip na gamitin ang bukyo bilang pagkain ng mga baboy. Dinudurog ang bahay ng bukyo at inilalaga ang laman. Ang durog na bahay ay mataas sa calcium at ang laman ay protina.

Mula nang mauso ang bukyo bilang pagkain ng baboy ay naubos ito sa buong nayon.

Subalit sa isang munisipyo nang magkaroon ng fiesta ay ang bukyo ang ginamit na balota para manalo ang reyna. Paramihan ng bukyo.

Matagumpay na sana sa paglipol ng bukyo kaya lang ay nabalitaan ko na sadyang inaalagaan na nila ang mga ito para manalo ang kanilang anak na dalaga sa pagka-reyna. Dumaming muli ang mga mapanirang suso. Kaya tinawag ko silang Reyna ng Bukyo!

AFRIKANO

BUKYO

DINUDUROG

DUMAMING

HAPON

ISANG

KAPAG

KAYA

MATAGUMPAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with