^

PSN Opinyon

Alva-rest in peace!

- Al G. Pedroche -
HABANG tumatagal, lalong lumalabo.

Iyan ang kalagayan ng kumpirmasyon ng Commission on Appointments sa posisyon ni Transportation and Communications Secretary Pantaleon "Bebot" Alvarez.

It seems a lot of people are already anticipating with excitement the impending exit of Alvarez.
Kasi, ngayon pa lang ay marami na ang pangalang naglulutangan na umano’y ipapalit kay Alvarez.

Tatlong matutunog na pangalang ihahalili kay Alvarez ay sina dating kongresista Dante Tinga, NAIA General Manager Ed Manda at DOTC Usec Arturo Valdez.

Backer
daw nitong si Tinga si House Speaker JDV (bigat ah!) at ito namang si Manda ay ipinagmamalaki ang kanyang pagiging "malapit" kay First Gentleman Mike Arroyo (aba lalong mabigat lalo pa’t kikiluhin). By the way, bata rin ni Mike si Alvarez, kaya lang tila bad shot na ang pobre.

Si Valdez? Ewan kung sino ang backer niya.

Well, that’s the reality in politics. It’s not what you know that counts but whom you know, as the good old saying goes.


Isa umanong administration Senator ang tumawag kay Presidente Arroyo at nagpayong huwag nang i-reappoint si Alvarez dahil talagang malabo na ang tsansa nito na makumpirma ng CA.

Common knowledge
na ang mga isyu laban kay Alvarez tulad ng napabalita nang pagpasok ng kanyang kompanya bilang sub-contractor sa itinatayong NAIA Terminal 3 ng Philippine International Air Terminal Company (PIATCO).

Kabilang nga sa nag-aalsa laban kay Alvarez ay itong mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA).

Bukod diyan, pinupuna pa rin si Alvarez sa kanyang penchant for luxury cars na nagpapahiwatig ng maluhong pamumuhay na hindi magandang imahe para sa isang public official.

At and pinakahuling kontrobersya ay ang pagsasampa ng isang civil society group sa Baguio City sa Ombudsman ng graft charges laban kay Alvarez. Ito daw ay may kinalaman sa "iregularidad" sa pagbili ng multi-milyong pisong halaga ng mga computers at talamak na paglipana ng mga colorum vehicles sa Cordillera Administrative Region na kinukunsinti ng DOTC chief anang grupong Linis Gobyerno.

Dumarami ang mga sektor na sumasagka sa kumpirmasyon ni Alvarez. Marahil siya na ang dapat magbitiw to make things easier for his bossman the President.

Hindi ko sinasabing balido ang mga akusasyong laban sa kanya. but the fact remains that Alvarez has lost his mass-based popularity and is obviously not in good terms with the members of the CA and as such, dapat na sigurong isaisantabi ng Pangulo ang pagrere-appoint sa kanya everytime na i-bypass siya ng komisyon. This despite the fact that Alvarez is known to be a close friend of Mike Arroyo too, tulad ni Manda.

ALVAREZ

BAGUIO CITY

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DANTE TINGA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GENERAL MANAGER ED MANDA

HOUSE SPEAKER

KAY

LINIS GOBYERNO

MANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with