^

PSN Opinyon

Ang Habitat For Humanity at ang kabataan

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
NALALAPIT na naman ang bakasyon at tuwina ang ating mga kabataan ay maraming ninanais magawa at maranasan sa kanilang mahabang pamamahinga mula sa paaralan at unibersidad. Nakatutuwa na sa kanilang ideyalismo, adhikain nilang makatulong sa ating mga kababayan at bansa sa kanilang mga libreng oras.

Sa darating na bakasyon, muling ipapamalas ng ating mga kabataan ang kanilang kakayahan at adhikain na tumulong sa layunin ng ating pamahalaan na mabigyan ang mga kapus palad na kababayang walang tirahan sa idaraos na Youth Build 2002 ng Habitat for Humanity. Ang makabuluhang proyektong ito ay nagnanais na turuan ang mga kabataan na tumulong na walang hinihinging kapalit, at turuang ipakita ang kanilang talento at kakayahan. Hindi nga lamang ito isang ordinaryong karanasan sa kanilang buhay kundi isang makabuluhang karanasan na magpapabago hindi lamang ang kanilang pananaw sa buhay kundi ng buhay at mga pangarap ng ibang pamilya.

Sa taun-taong partisipasyon ng mga kabataan sa programa ng Habitat, dito natin makikita na ang proyektong pabahay ay hindi lamang layunin at gampanin ng ating pamahalaan at pribadong sector ng ating lipunan. Ang kabataan ay handa ring tumulong sa pagtatayo ng mga disenteng bahay para sa ating mga kababayan sa buong bansa.

Sa Habitat for Humanity at mga namumuno sa Youth Build 2002, mabuhay kayong lahat! Mabuhay ang ating mga kabataan!

ATING

BUHAY

HABITAT

KABATAAN

KANILANG

MABUHAY

NAKATUTUWA

SA HABITAT

YOUTH BUILD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with