Editoryal - Huwag pakinggan ang Sayyaf
March 6, 2002 | 12:00am
NASUSUKOL na ang mga bandido at parang mga daga na sa pagtatago. Wala na ring matakbuhan kaya nagpapadala na ng mga surrender feelers. Subalit kakatwa na mayroon silang kahilingan sa likod ng kanilang pagsuko, ito ay ang bigyan sila ng amnestiya. Ano ito, isang uri ng pamba-blackmail? Ang ganitong kahilingan ay dapat balewalain ng military at gobyerno. Hindi na dapat pakinggan ang Abu Sayyaf sa kanilang kahilingan na susuko kung bibigyan ng amnestiya. Panibagong bitag ang kanilang inihahain na walang ipinagkaiba sa mga nakaraan nilang panlilinlang. Dahil sa mga bandidong ito kaya nalugmok ang Mindanao at ang Pilipinas sa kahihiyan. Kinatakutan ang Pilipinas ng mga dayuhan.
Noong nakaraang linggoy nagpadala na umano ng surrender feelers sina Aldam Tilao at Isnilun Hapilon. Si Tilao ay kilala bilang Abu Sabaya, spokesman ng mga bandido.
Huwag nang pakinggan ang mga bandido, at ipagpatuloy ang pagpulbos sa kanila. Maaaring ang pagpapadala ng sureender feelers ay taktika lamang nila upang malito ang mga humahabol na mga Kano. Isang paraan para makaligtas at makagawa ng paraan para makatakas.
Kamakalawa, isang aide ni Sabaya ang nahuli ng militar sa Basilan. Naaresto si Sonny Teng makaraang i-tip ng mga impormante sa isang village sa Lamitan. Si Teng ay may nakapatong na P1 milyon sa kanyang ulo. Inamin ni Teng na kanang kamay siya at close-in security ni Sabaya. Isa siya sa mga kumidnap sa mga turista sa Dos Palmas resort sa Palawan noong nakaraang taon kung saan ay kasama ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham. Hawak pa ng mga bandido ang mag-asawa ganoon din ang Filipina nurse na si Deborah Yap.
Iisa lamang ang maaaring gawin ng mga bandido upang makaligtas sa mga makabagong armas ng mga Kano, pakawalan ang mga bihag at sumuko nang walang kapalit na kahilingan. Ibasura ang hinihinging amnestiya. Harapin nila ang bangis ng batas dahil sa hindi makatao nilang pagpatay. Kamakailan ay ipinakita ang video ng pagpugot sa mga bihag nilang sundalo. Madugo. Kakila-kilabot ang kanilang pamamaraan na ang makagagawa lamang ay wala sa katinuan. Bukod sa pagpugot sa ulo, tumatapyas din sila ng suso ng babae, at bumubunot ng kuko bago patayin ang bihag.
Hindi sila dapat pakinggan sa anumang kahilingan. Isarado ang pinto sa kanilang pagmamakaawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended