^

PSN Opinyon

Positions sa LTO: For sale

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang for sale diumano ang ilang posisyon ng mga opisyal sa Land Transportation Office?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay DepEd Sec. Raul Roco; Noel Castillo, Sherry Marie Marquez, Joyce Marquez, Darrylyn Munar, Alfredo Conti at Sid Sacramento.

Happy wedding naman kina PCGG Comm. Ruben Carranza at Pam Abalos ng UP College of Law at Grace Mercado at Fray Lazo.

Congratulations kay Brig. Gen. Pedro ‘‘Bong’’ Cabuay ng PALAR, Camp O’Donnel, Tarlac. Magpainom ka naman diyan Kuyang.

Binabati ko rin sina Evelyn Victoria ng Sharp-Karilagan Training Academy; Melanie Roxas-Lachica, Hermin Arceo at Kuyang Lolo Jose Venturina.
* * *
Alam n’yo bang may mga opisyal sa LTO ang dismayado ngayon dahil sa nangyayaring bilihan ng mga posisyon?

Ayon sa aking bubuwit, may nangyayari ngayong reshuffling sa tanggapan ng LTO. Subalit ito pala ay ginagamit lamang na dahilan upang mailuklok ang ilang bata-bata ng mga opisyal. At upang maipagbili naman ang ilang posisyon.

Akala ko sa Bureau of Internal Revenue (BIR) lamang nagkakabilihan ng mga juicy positions.

Pati pala sa LTO ay binibili na rin ang mga magagandang posisyon.

LTO Chief Gen. Roberto Lastimoso Sir, alam n’yo ba ito?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung inaakusahan noon ang administrasyon ni Gen. Edgardo Abenina ng RAM na meron diumanong irregularidad, ngayon ay mas matindi umano ang anomalya sapagkat ipinagbibili na ngayon ang ilang posisyon sa halagang daang libong piso. Sabagay, kumpara sa bilihan ng posisyon sa BIR, mas hamak namang mababa ang bilihan ng posisyon sa LTO.

Alam kaya ito ni Lastimoso o pinapa-ikutan siya ng kanyang ilang tauhan?

Nakakuha diumano si Lastimoso ng mga hustler na consultants kaya may mga lumulutang ngayon na anomalya.

Paalala lamang Kuyang, isipin mo na ang bakal ay sinisira ng kalawang.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, isang opisyal ng LTO sa Metro Manila ang inalis sa kanyang posisyon. Tinanong muna siya kung kaya niyang mag-produce ng P150,000. Nang sabihin niyang hindi niya kaya ang nasabing halaga, pinalitan siya.

Pinalitan siya ng isa ring staff na siyang nakapag-deliver ng tumataginting na P150,000.

Matindi pala ang racket ngayon sa LTO. Siyempre kung mas mataas ang gusto mong posisyon, mas mataas din ang ‘‘placement fee.’’

ALAM

ALFREDO CONTI

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CAMP O

CHIEF GEN

COLLEGE OF LAW

POSISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with