^

PSN Opinyon

Ang pagtatanim ay sugal

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NALULUNGKOT ako habang naglalakad kami ni Mang Senting sa pilapil. Tuyung-tuyo kasi ang kabukiran. Malalaki ang bitak ng lupa. Oktubre noon at wala pang ulan. Kailangan ang masaganang ulan para mabuhay ang palay.

Sabi ni Mang Senting na ilang araw pang walang tubig ay wala nang mapapakinabang sa palay. Noon ko din nalaman na hindi lang pala tuwing nagtatanim kailangan ng tubig ng palay.

‘‘Pagsumasapaw na ang palay ay lalong kailangan ng tubig,’’ sabi ni Mang Senting.

‘‘Ganoon ba. E ngayon natutuyo na ang mga palay ibig mong sabihin wala kang aanihin pag-nagkataon?’’ tanong ko.

‘‘Opo, Doktor,’’ sagot niya na parang walang bahala.

‘‘Gaano ba ang naaani mo Mang Senting?"

"Karaniwan sa isang ektarya ay umaani ako ng 80 kaban kapag sagana sa ulan. Pero pag hindi, masuwerte na kung makakuha ng 10 kaban.’’

‘‘Mahirap pala ang pagtatanim ng palay Mang Senting,’’ sabi ko.

‘‘Talaga Doktor. Itinuturing kong ang pagsasaka ay isang sugal,’’ sabi ni Mang Senting. "Kung hindi tagtuyot ang darating ay maaaring pagbaha at pagdagsa ng kulisap.’’

Parang tanggap ni Mang Senting ang pagkatalo. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kaya sa akin, natural na lang ang magsugal. Nagsasabong ako kung Linggo. Nakagawian ko na ito, Doktor.’’

‘‘Dapat pala di ka na nagsasabong dahil ang pagtatanim ng palay ay isa nang sugal.’’

DAPAT

DOKTOR

GAANO

GANOON

ITINUTURING

MANG

MANG SENTING

PALAY

SENTING

TALAGA DOKTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with