Jose Velarde si Erap ?
March 3, 2002 | 12:00am
MATAPOS ang pagbubunyag ni Erap na siya ang pumirma sa pangalan ni Jose Velarde upang mapautang ng P500 milyon ang kanyang kaibigang si William Gatchalian, tila naging masalimuot ang plunder case na hinaharap ng dating Presidente. Lalong nalagay si Erap sa mahirap na sitwasyon dahil tinanggal niya ang kanyang mga abogado.
Ngunit ang katawa-tawang tanong ng marami ay kung bakit pipirma ang isang Presidente para sa isang tao bilang guarantor, gayong hindi naman ito ang may-ari ng nasabing bank account. Katangahan di po ba?
Kung iisipin ang mga paliwanag ni Erap ukol dito, nangangahulugan ba na si Jose Velarde, na kung saan ay naka-pangalan ang bank account ay si Erap din? Bakit naman sinabi ni Erap na ang bank executive na Clarissa Ocampo ang siya umanong nagsabi sa kanya na pirmahan ang nasabing mga dokumento?
Anuman ang mga dahilan na nagbunsod kay Erap tungkol sa mga kakatwang pangyayari, nakasalalay na sa Sandiganbayan ang desisyon dito. Kung mapapatunayan ang kaugnayan ng dating Presidente sa kaso, malinaw ang kahahantungan ng pagkagahaman sa pera: Bitay.
Bukas ay ika-43 taong kaarawan ng namatay kong kapatid na si Boboy Jimenez. Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa upang ipagpatuloy ko ang pagtulong sa mga naaapi sa ating lipunan.
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 locals 13, 20 at 21.
Ngunit ang katawa-tawang tanong ng marami ay kung bakit pipirma ang isang Presidente para sa isang tao bilang guarantor, gayong hindi naman ito ang may-ari ng nasabing bank account. Katangahan di po ba?
Kung iisipin ang mga paliwanag ni Erap ukol dito, nangangahulugan ba na si Jose Velarde, na kung saan ay naka-pangalan ang bank account ay si Erap din? Bakit naman sinabi ni Erap na ang bank executive na Clarissa Ocampo ang siya umanong nagsabi sa kanya na pirmahan ang nasabing mga dokumento?
Anuman ang mga dahilan na nagbunsod kay Erap tungkol sa mga kakatwang pangyayari, nakasalalay na sa Sandiganbayan ang desisyon dito. Kung mapapatunayan ang kaugnayan ng dating Presidente sa kaso, malinaw ang kahahantungan ng pagkagahaman sa pera: Bitay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended