^

PSN Opinyon

Bayad sa albularyo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Marami akong gustong malaman sa albularyong si Ka Berong kaya lamang e nahihiya akong magtanong. Pero isang araw, nagawa ko iyon.

‘‘Huwag kang magagalit, Ka Berong, tumatanggap ka ba ng bayad sa panggagamot mo dito sa nayon?’’

Mahinanong sumagot si Ka Berong. ‘‘Kung pera ang kabayaran, hindi ako tumatanggap. Ang pagka-albularyo ko’y serbisyo sa mga kababaryo.’’

‘‘E bakit hindi ninyo tinatanggap?’’

‘‘Ang tanim ko sa bukid ay masama ang mangyayari pag ako’y tumanggap ng pera bilang bayad. Bilin ‘yan ni Ama sa akin noon.’’

Nakatingin akong humahanga kay Ka Berong. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

‘‘May panata ako na hindi tatanggap ng pera sapagkat ang karunungan ko ay ibinigay ng libre ng Diyos kaya libre din dapat ibigay."

Halos hindi ako makapaniwala. Kami kasing mga doktor ay hindi ganyan, kailangan kaming bayaran base sa aming serbisyo.

Nagtanung-tanong ako mula noon sa mga taga-baryo tungkol sa panggagamot ni Ka Berong at nalaman ko na wala talagang tinanggapan ang albularyo kahit singko.

Minsang dinalaw ko uli sa kanilang bahay ay nakita ko na naninigarilyo ito. At napansin kong ang sigarilyo niya at mamahalin. Sunud-sunod ang hitit niya.

"Ibinigay lang ito ng nagpagamot sa akin. Kaya lang ay hindi ito kabayaran kundi pagpapakita lang ng pasasalamat.’’

At nalaman ko mula kay Ka Berong na ang madalas ibayad sa kanya ay isang pakete ng sigarilyo.

‘‘Inaabot n’yo ba agad ang regalo sa inyo Ka Berong?" tanong ko.

‘‘Aba hindi! Kailangang dalhin ang regalo sa bahay namin at dapat ilagay sa harap ng altar,’’ nakangiting sagot.

‘‘At bakit dapat ilagay sa altar?’’

‘‘Iyan ang alay ko sa Diyos."

vuukle comment

BERONG

BILIN

DIYOS

HUWAG

IBINIGAY

INAABOT

IYAN

KA BERONG

KAILANGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with