Salungat sa nasabing CBA, hinimok ng unyon na sumapi sa kanila ang mga guwardiya. Kaya napilitan ang kompanya na tanggalin sa trabaho ang mga guwardiyang sumapi sa unyon. Dahil dito, tumawag ng welga ang mga kasapi ng unyon nang walang abiso. Sa pag-ayos ng problema nagpalabas ng utos ang hukuman na pabalikin ang lahat ng nagwelga at tanggaping muli ng kompanya ang mga ito na walang bawas ang mga dating benepisyong tinatanggap. Ginawa naman iyon ng kompanya. Kaya nanumbalik sa normal na lagay ang sitwasyon sa kompanya.
Pagsapit ng Pasko, inanunsyo ng kompanya na dahil sa paghina ng negosyo, ang bonus na binibigay sa mga empleyado ay babawasan ng 30 porsiyento. Dahil dito, nagreklamo ang unyon. Ito raw ay hindi makatwirang aksyon laban sa manggagawa at labag sa kautusan ng hukuman na lahat ng kasapi ng unyon na bumalik ay hindi babawasan ng benepisyong tinatanggap bago magwelga. Tama ba ang unyon?
Mali. Ang bonus ay kagandahang-loob lamang ng kompanya na dapat pasalamatan ng mga manggagawa. Ito ay hindi obligasyon. Itoy batay lamang sa kita ng kompanya. Ang maliit na bonus noong taong iyon ay sanhi ng pagbagsak ng negosyo at hindi dahil nakainitan ang ilang empleyado. Lahat ng empleyado ay apektado nito. (Luzon Stevedoring vs. CIR 15 SCRA 660)