^

PSN Opinyon

4 years pa lang sa service si PO2 Neri pero me Revo na?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Mukhang si PO2 Bayani Neri na kolektor ng intelihensiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maynila, ang kasagutan para mapasara ang video karera sa siyudad at hindi si Mayor Lito Atienza. Nagsara noong nakaraang linggo ang video karera sa Maynila at hindi dahil sa kautusan ni Atienza kundi dahil sa sobrang taas ng intelihensiyang kinokolekta ni Neri, ayon sa mga pulis na nakausap ko.

Kabilang sa nagsara ay itong si Boy R. na pinagsuspetsahan ni Neri na nagbibigay sa akin ng impormasyon ukol sa illegal na gawain niya. Itong si Boy R. ay isang pulis at maaaring nagpangita na kami sa Manila police headquarters. Matatandaan na abot-langit ang kautusan ni Atienza na puksain ni Chief Supt. Nick Pasinos, hepe ng Manila police, itong video karera sa Maynila pero panay laway lang pala ang lumabas sa bunganga niya, di ba mga suki?

Ibig sabihin niyan patuloy pa rin ang operasyon ng video karera at si Neri lang ang kasagutan sa problema at hindi si Atienza. Marami sa mga video karera operators sa Maynila ay mga pulis, pero lahat sila ay suko sa ‘‘kataliman’’ ni Neri, anang mga nakausap ko. May ‘‘goodwill’’ na, dinoble pa ang intelihensiya. Ano ba ’yan?

Ayon sa mga nakausap ko, kaya pala masakit ang loob ni Boy R. ke Neri eh kabibigay lang niya ng P15,000 goodwill money nang sunud-sunod na salakayin nito at ng mga kasama niyang taga-City Hall detachment at Station 9 ng WPD ang mga makina niya. Ang ilang makina na nahatak nila ay ibinalik sa may-ari samantalang ang kay Boy R. ay hindi na.

Ang ipinagmalaki kasi nitong si Neri ay hindi lang si Supt. Asher Dolina, hepe ng CIDG sa Maynila, kundi ang mga opisyales sa sampung unit ng CIDG sa Camp Crame. Kasi itong si Neri rin pala ang kolektor nila. Sa susunod ko na sila pangalanan. Pero dapat mag-sip din itong 10 opisyal ng CIDG na maaring nagagasgas na ni Neri ang kanilang mga pangalan sa gambling lords sa Maynila, di ba mga suki?

Kasi itong si Neri, na may apat na taon pa lang sa serbisyo, ay may bagong sasakyan na. Revo ba ’yon? Eh, hindi rin pala galing sa mayamang angkan itong si Neri, dahil ayon sa mga nakausap ko, tindera ang kanyang ina. At paano nakapasok sa pulis itong si Neri eh halos limang talampakan lang ang taas niya? Uso pa ba sa ngayon ang ‘"waiver?’’ Pakibusisi mo nga ito PNP Chief Gen. Leandro Mendoza, Sir.

Pero may itinatago rin pala itong si Neri. Kung ang mga pulis na nakausap ko ang paniniwalaan, mayroon rin pala siyang mahigit 20 makina na naka-deploy sa paligid ng bahay niya sa Panday Pira sa Tondo, na sakop naman ng WPD Station 1. Maaring ang pera niya ay galing sa mga makina niya at hindi sa pambubukol sa 10 opisyal ng CIDG sa Camp Crame, di ba mga suki?

Kahit marami pa silang reklamo laban kay Neri, susuportahan ko siya kung ang pagpapasara ng video karera ang pag-uusapan. Hindi ko na problema kung naging matulis siya.

ASHER DOLINA

ATIENZA

BOY R

CAMP CRAME

ITONG

MAYNILA

NERI

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with