Isang congresswoman at congressman, magsiyota

ALAM n’yo bang mag-on diumano ang dalawang kongresista kahit meron na silang mga asawa?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Del Abaya ng Cavite; Rep. Raul del Mar ng Cebu City; Rep. George Hofer ng Zamboanga del Sur at Maribeth Maximo ng Digitel.
* * *
Alam n’yo bang mag-on diumano ang isang congresswoman at isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, wala naman sanang problema kung may love affair itong dalawang kongresista, kaya lang ay meron na silang asawa.

Naku, mag-ingat nga kayong dalawa at meron pa namang kaakibat na ‘‘Honorable’’ sa inyong mga pangalan.

At lalo ka na Mr. Congressman, mag-ingat ka at baka madale ka ng mga tauhan ng Alex Boncayao Brigade.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong dalawang kongresista ay binibiru-biro lamang noon ng kanilang mga kasamahan sa House Committee. Pero, alam n’yo ba na ang biruang iyon ay tinotoo ng dalawa. Dati-rati ay pa-dinner-dinner lamang ang dalawa, subalit nang magtagal ay nagka-debelopan na ang mga damuho. Sila ay sweet na ngayon at ito ay alam na rin ng ilan nilang mga kaibigang kongresista.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang kongresistang meron umanong illicit love affair ay sina…

Si Mr. congressman ay isang abogado mula sa Mindanao. Sixty-six years old na siya pero matulis pa rin.

Kaibigan siya ni dating Rep. Romeo Jalosjos. Siya ay Congressman B. as in Barakong B-Meg.

At ang congresswoman na ka-on diumano ni Congressman Barako ay walang iba kundi si…

Siya ay medyo bata pa. Mga trenta’y kuwatro anyos siguro.

Congresswoman, careful-careful baka magulpi ka ni mister.

Siya ay kongresista mula sa Luzon. Siya ay walang iba kundi si Congresswoman K as in Kasta.

Show comments