Nakatapak ng gambling lord si Supt. Dela Rea muntik nang napurnada
February 25, 2002 | 12:00am
SINABON at tinakot na ipatatapon sa malayong probinsiya ng isang opisyal ng pulisya na malapit kay Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Leandro Mendoza si Supt. Bayani de la Rea, hepe ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO). Ipinatawag kamakailan ng naturang opisyal si De la Rea at kinumpronta ukol sa sumbong na tinanggapan niya ng P100,000 ang gambling lord ng Maynila na si Joe Maranan subalit kinasuhan pa niya ang mahigit 30 empleado ng huli na inaresto niya. Siyempre, hilong-talilong si De la Rea. Lulugo-lugo siyang umalis sa opisina ng naturang opisyal ng pulis na sa huling balita ko ay kandidato bilang bagong hepe ng Civil Security Group (CSG) sa gaganaping malakihang reshuffle sa PNP sa darating na Marso.
Ayon sa mga nakausap kong pulis, nagalit si De la Rea kay Maranan dahil hindi nito iniintindi ang mga hirit niya ng siya ay hepe pa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maynila. May padrino kasi si Maranan. Nang malipat sa RISOO itong si De la Rea, ayon pa sa mga nakausap ko, nangharibas ang kanyang mga bataan sa Maynila at marami sa mga nasakote ay mga bataan ni Maranan.
Tinubos sila ni Maranan ng halagang P100,000 subalit kahit natanggap na nila ang pera kinasuhan pa sila ng RISOO. Aba mukhang hindi nga tama to, di ba mga suki? At nakuha nga ni De la Rea ang kanyang premyo ng ipatawag siya sa Camp Crame ng opisyal na malapit kay Mendoza. Hindi alam ni De la Rea kung ano ang tumama sa kanya. Sinabi ng mga nakausap ko na ang weakest link" sa problema niya ay ang isang Delfin Gener, na miyembro ng Super National tong kolektor ng intelihensiya ng PNP na pinamumunuan ng isang mayabang na retiradong pulis. Bubugbugin daw ako ng retired na pulis na to kapag nagkita kami. He-he-he! Ang pikon ay talo dito Sir.
Ang opisyal ng PNP na malapit kay Mendoza at ang retiradong pulis at si Gener at mga bataan nila ay magkaklase sa Classmate nightclub sa Quezon City. Sa gabi ang klase nila, General Mendoza Sir.
Ngayon alam mo na kung sino ang hahabulin mo De la Rea? Naapakan mo ang isang malakihang gambling syndicate kayat kamuntik ka nang mapurnada. Hintayin mo na lang na magretiro itong si Mendoza para makaganti ka.
Ang aksiyon naman na ginawa ng opisyal na malapit kay Mendoza ay nagpapatunay na malawakan na ang operasyon ng illegal gambling sa bansa, lalo na sa Metro Manila. At mukhang may basbas ito ni Mendoza, kung ang kaso ni De la Rea ang gagawing basehan. Sa ngayon pa lang, takot na takot ang mga bataan ni Chief Supt. Nick Pasinos, hepe ng Manila police na galawin si Maranan dahil mabigat ang padrino niya. Hanggang kailan mamamayagpag itong si Maranan? Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended