^

PSN Opinyon

Iligtas ang mga butanding

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Bihira ang nakaaalam sa mga butanding. Ito ay ang mga maaamong whale sharks na matatagpuan sa Donsol, Sorsogon. Dahil sa mga butanding kaya ang Donsol ay dinadayo ngayon ng mga turista. Naging paboritong puntahan ang Donsol, sa kabila na ito ay fourth class municipality lamang. Dahil sa mga butanding kaya nabigyan ng pagpapahalaga ang Donsol.

Subalit kung hindi mapapangalagaan ang mga butanding, tiyak na mauubos sila at tiyak ding mawawala ang pagkilala sa Donsol na bayang dinadayo ng mga turista. Sa kasalukuyan, marami pa ring mga walang pusong nilalang ang nanghuhuli at kinakatay ang mga butanding para ipagbili ang karne. Hindi nila kinaaawaan ang mga butanding gayong ang mga ito’y mababait at nakikipagsabayan sa mga scuba divers sa paglangoy.

Ayon sa isang tourism officer sa Donsol na aking nakausap, tuwing Marso at Abril ay madalas magpakita ang mga butanding. Umaabot umano sa 142 sightings at labis na kinagigiliwan ang tanawing ito ng mga turista. Sinabi naman ni Donsol Mayor Alcantara, na dahil sa mga butanding kaya nagkaroon ng hanapbuhay ang kanyang mga kababayan. Kumita ang mga boat operators. Marami ang nagtayo ng mga lodging house, karinderya at nabuhay ang transportasyon na dati ay matamlay. Ang lahat aniya ng pag-unlad na iyon ay utang sa mga butanding.

Noong 1998, nagpalabas ng kautusan ang Department of Agriculture na ipinagbabawal ang paghuli, pagpatay at pagkatay sa mga butanding. Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinatutupad ang kautusang ito katulong ang Donsol Tourism Office.

Huwag hayaang maglaho ang mga butanding. Hayaan silang dumami. Nararapat na magtulung-tulong at magkaisa ang mga taga-Donsol na pangalagaan ang mga butanding na nagbigay sa kanila ng ikabubuhay. Kailangan nilang protektahan ang mga butanding sa kamay ng mga walang pusong nilalang.

ABRIL

AYON

BIHIRA

BUTANDING

DAHIL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DONSOL

DONSOL MAYOR ALCANTARA

DONSOL TOURISM OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with