^

PSN Opinyon

Pangamba ng mga taga-Payatas

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PINAL na ang pagsasara ng Payatas sa June. Lahat ng mga naninirahan sa dumpsite ay lilisanin na ang lugar na matagal din nilang tinirhan at nagsilbing paraiso sa kanila. Ang basura sa Payatas ay ginto para sa mga mahihirap. Ito ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay.

Dahil nga sa Hunyo ay isasara na ang dumpsite, ililipat na sila ng tirahan na inilaan sa kanila ng pamahalaan. Maraming taga-Payatas na naka-interact namin nang magsagawa ang aming foundation ng outreach program ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa paglisan sa pook na iyon.

Si Aling Segundina, 70, ay matagal nang naninirahan sa Payatas. Tumutulong siya sa kanyang mga anak at apo sa pagbubungkal ng basura. Si Mang Jose ay napag-aral sa kolehiyo ang dalawang anak sa pamumulot ng basura. Binubuhay naman ni Iluminada mula sa basura ang apat na anak. Isang dalagang ina si Maria Amor, sinabi niya na hindi niya alam kung papaano sila mabubuhay na mag-ina sa pag-alis nila sa Payatas.

Marami pang katulad nila na ang naghahari sa puso ay pangamba sa magiging buhay nila sa pag-alis sa Payatas. Sana’y hindi sila makaligtaan ng gobyerno sa pagkakataong ito.

BINUBUHAY

DAHIL

HUNYO

ILUMINADA

ISANG

MARIA AMOR

PAYATAS

SI ALING SEGUNDINA

SI MANG JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with