5 police district directors nasa payroll ng gambling lords
February 22, 2002 | 12:00am
DALAWANG kamay akong sasaludo kay Dir. Edgar Aglipay, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kung ang kampanya laban sa ilegal na pasugalan ang pag-uusapan. Mula kasi ng maupo siyang muli bilang hepe ng NCRPO, wala pa akong naririnig na balitang nagpakuha ng lingguhang intelihensiya si Aglipay sa mga gambling lords sa Kamaynilaan. Mukhang itinutuloy ni Aglipay ang sinimulan niya nang siya ay junior officers pa at isang magandang balita ito para sa ating naghihirap na kababayan.
Pero kung gaano naman kalinis itong si Aglipay pagdating sa pasugalan kabaligtaran naman ang ginagawa ng lima niyang district directors. Lahat sila ay nasa payroll na ng mga gambling lords, anang aking espiya. Itanong mo yan kay One Way Ticket na hanggang ngayon ay ayaw magbago at patutunayan niyang tama ako, General Aglipay.
Pero kahit garapalan na ang mga police districts sa pagkolekta ng lingguhang intelihensiya, pinilit pa rin ni Aglipay na hindi mabahiran ang mga support units niya tulad ng R-2 o intelligence, Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) o Regional Mobile Group (RMG).
Sa pagkaalam ko, pinagbawalan ni Aglipay ang mga hepe ng tatlong unit na tumanggap ng lingguhang intelihensiya. Subalit may balita ako na ang mga enlisted personnel o civilian naman nila ay patagong kumokolekta. Paki-tsek mo nga to, General Aglipay.
Pero sa ngayon, panay raid ang ginagawa nitong RISOO na pinamumunuan ni Supt. Bayani Dela Rea at ang pinupuntirya ay ang Maynila. Pero hindi alam ni De la Rea na ang sarili niya ang ipinapahiya sa patuloy na pananalasa niya sa Maynila. Kasi nga mga suki, itong si Dela Rea rin ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maynila bago siya lumipat sa RISOO. Sa pagsagawa niya ng raid sa Maynila pinatunayan lamang ni Dela Rea na buhay ang mga pasugalan sa dati niyang sakop. May nakalimutan ba ang mga gambling lords sa yo. Supt. Dela Rea, Sir? Baka naman yang mga raid mo ay Oplan Pakilala lamang?
Ang kolektor noon ni Dela Rea ay si PO3 Bayani Neri na siya ring ginagamit sa ngayon ng kapalit niya na si Supt. Asher Dolina. Kung goodwill money at dagdag na intelihensiya ang gagawing basehan, mukhang gustong maging milyonaryo ni Dolina na hindi siya pinagpawisan.
Sa City Hall detachment naman ng Maynila, itong si PO3 ET Ancheta ang namamayagpag. Di ba itong si ET Ancheta ay dati ring bataan ni SPO1 Rene de Jesus na miyembro umano ng Super National tong kolektor ng PNP na pinamumunuan ng isang retiradong pulis? Ibig kayang sabihin nito nanalo na naman siya sa bidding? Kung sabagay, pilit na inaalam na ni General Aglipay kung sinu-sino sa kanyang mga tauhan ang kolektor ng lingguhang intelihensiya. Tutulungan ko siya sa aspetong ito para maipatapon sila sa probinsiya. At yan ay para madala sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended