^

PSN Opinyon

Staff na nabuntis ng senador mataray pala

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang mainit pa ring usapan ngayon ang buntisan blues sa Senado?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Roquito Ablan Jr. ng Ilocos Norte; Dr. Leonardo Samson, Dodie Zabella ng PCSO; Dr. Pedrito Reyes at Dr. Mila Ong.

Binabati ko sina Ms. Melanie Roxas Lachica, Manang Selva Fernandez, Amparo Villanueva, May de Jesus at Vice Mayor Jimmy Bautista ng Nasugbu, Batangas.
* * *
Alam n’yo bang mainit ngayon ang usap-usapan tungkol sa pagkakabuntis diumano ng isang senador sa maganda niyang staff?

Tahimik itong si Senador subalit matinik pala sa chiching. Ang tulis mo pala, Sir?

Sabagay, nandiyan na ’yan senador. Ang masasabi ko lang po ay panindigan mo kung totoong na-asembolan mo nga ang magandang staff.

Huwag n’yo lang gagayahin itong mga talunang kongresista na sina dating Congressmen Ranjit Shahani ng Pangasinan; Romeo Candazo ng Marikina at Rico Fajardo ng Nueva Ecija.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang problema ngayon ni Senador tungkol sa nasabing chiching ay meron pala itong asawa. At ang mister nito ay empleado rin pala ng pamahalaan. Ang ganda naman kasi nitong chiching. Seksi, mestisahin, medyo matangkad at saka long hair.

Ang nasabing chiching ay dati palang staff ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Hindi kaya ito nahawa kay Senadora?

Medyo mataray daw itong chiching na na-asembolan ni Senador kaya imbiyerna sa kanya ang kapwa niya staff.

Ayon sa aking bubuwit, ang chiching na na-asembolan ni Senador ay si Ms. L. as in Landi.
* * *
At ang senador na nakabuntis sa kanyang staff ay walang iba kundi si…

Matalino ito.

Totoo bang naglalampungan kayo ng chiching sa inyong opisina Sir, overtime ba ’yun?

Kasi naman Senate President Franklin Drilon, ang inyong mga opisina sa Senado ay meron pang banyo na paliguan at saka meron pang pahingaan at tulugan.

Ayon sa aking bubuwit, ang senador na naka-asembol sa kanyang magandang staff ay si Sen. S. as in Senyorito.

vuukle comment

AMPARO VILLANUEVA

AYON

CHICHING

CONGRESSMEN RANJIT SHAHANI

DODIE ZABELLA

DR. LEONARDO SAMSON

DR. MILA ONG

DR. PEDRITO REYES

SENADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with