Naniniwala ang tatlo na makatwiran lang na bayaran sila ng overtime sa mga panahong nanilbihan sila ng higit sa otso oras. Kaya ni-rekord pa rin nila ang oras ng kanilang trabaho at hiniling na bayaran sila ng overtime.
Tinanggihan ito ng ospital sapagkat ang tatlo raw ay kusang nanilbihan ng lampas sa otso oras at hindi naman sila inutusang gumawa nito. Tama ba ang ospital?
Mali. Kahit walang awtoridad, ang uri ng trabaho ng tatlo ay sadyang walang takdang oras at kung minsay talagang ginagabi o inuumaga pa. Dahil sa etika ng kanilang propesyon, wala silang mapagpipilian kundi ang manatili sa tungkulin at magserbisyo kahit lampas sa otso oras. Hindi sapat na dahilang ipagkait sa kanila ang overtime pay dahil lang sa kawalan ng awtoridad. Nakinabang naman ang ospital sa kanilang ginawa. Hindi makatwirang isalalay ang pagbabayad ng overtime nila sa kagustuhan ng iba lalo nat nanilbihan naman talaga sila. Dapat lang silang bayaran ang overtime. (PNR vs. CIR 57 SCRA 302).