^

PSN Opinyon

Kaso ng doktor, nurse at dentista

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAGTATRABAHO sa isang ospital sina Fe, Aida at Lorna. Si Fe ay nurse, si Aida ay doktor at si Lorna ay dentista. Sa kanilang gawain, karaniwan ay inaabot sila ng mahigit walong oras dahil sa mga emergencies. Kung minsan, inuumaga pa sila sa ospital. Kahit walang pasabi ang ospital na magtrabaho sila ng higit sa takdang oras, ginagawa nila ito dahil ito ang etika ng kanilang propesyon – na pangalagaan at gamutin ang may sakit at may kapinsalaan kahit anong oras.

Naniniwala ang tatlo na makatwiran lang na bayaran sila ng overtime sa mga panahong nanilbihan sila ng higit sa otso oras. Kaya ni-rekord pa rin nila ang oras ng kanilang trabaho at hiniling na bayaran sila ng overtime.

Tinanggihan ito ng ospital sapagkat ang tatlo raw ay kusang nanilbihan ng lampas sa otso oras at hindi naman sila inutusang gumawa nito. Tama ba ang ospital?

Mali.
Kahit walang awtoridad, ang uri ng trabaho ng tatlo ay sadyang walang takdang oras at kung minsa’y talagang ginagabi o inuumaga pa. Dahil sa etika ng kanilang propesyon, wala silang mapagpipilian kundi ang manatili sa tungkulin at magserbisyo kahit lampas sa otso oras. Hindi sapat na dahilang ipagkait sa kanila ang overtime pay dahil lang sa kawalan ng awtoridad. Nakinabang naman ang ospital sa kanilang ginawa. Hindi makatwirang isalalay ang pagbabayad ng overtime nila sa kagustuhan ng iba lalo na‘t nanilbihan naman talaga sila. Dapat lang silang bayaran ang overtime. (PNR vs. CIR 57 SCRA 302).

AIDA

DAHIL

DAPAT

KAHIT

KAYA

LORNA

NAKINABANG

ORAS

SI FE

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with