Kailangan natin ang kababaang-loob. Kailangan natin ang katapatan. Kailangang tanggapin natin sa harap at presensiya ng Diyos na tayo ay nagkasala. Tayoy naging makasarili. Tayoy naging mga palalo. Kung lilinangin at isasabuhay natin ang ganitong disposisyon ng sarili sa panahon ng Kuwaresma, mas ganap tayong makakalahok sa pasyon at kamatayan ni Jesus. Mas malalim tayong makikibahagi sa kanyang pagkabuhay ng mag-uli.
Narito ang maikling kuwento ni Lukas tungkol kay Jonas at mga taga-Ninive (Lk. 11:29-32).
Samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayon din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ang Timog laban sa lahing ito at silay hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!
Sinabi ni Jonas sa mga taga-Ninive na silay matinding paparusahan ng Diyos kapag hindi sila nagsisi. Ang hari at ang taumbayan ay nagsuot ng mga sako. Naglagay sila ng abo sa kanilang mga ulo. Nag-ayuno sila. At naglubag ang loob ni Yahweh. Silay hindi na Niya pinarusahan.
Sinasabi ni Jesus sa mga Judio sa kanyang panahon na sila rin ay dapat magsisi at kung hindi, silay di-maliligtas. Sinasabi rin sa atin ni Jesus na kailangan tayong magsisi upang tayoy maligtas.