^

PSN Opinyon

Ang pangangailangang magsisi

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NASA unang linggo tayo ng Kuwaresma. Kapapaalaala lang sa atin na talikdan ang ating mga kasalanan nang lagyan tayo ng abo sa noo. Sa Ebanghelyo ngayong araw na ito, ibinigay sa atin ang halimbawa ng mga taga-Ninive na nagsisi pagkatapos ng pangangaral sa kanila ni Jonas.

Kailangan natin ang kababaang-loob. Kailangan natin ang katapatan. Kailangang tanggapin natin sa harap at presensiya ng Diyos na tayo ay nagkasala. Tayo’y naging makasarili. Tayo’y naging mga palalo. Kung lilinangin at isasabuhay natin ang ganitong disposisyon ng sarili sa panahon ng Kuwaresma, mas ganap tayong makakalahok sa pasyon at kamatayan ni Jesus. Mas malalim tayong makikibahagi sa kanyang pagkabuhay ng mag-uli.

Narito ang maikling kuwento ni Lukas tungkol kay Jonas at mga taga-Ninive (Lk. 11:29-32).

Samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, ‘Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayon din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ang Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!’’


Sinabi ni Jonas sa mga taga-Ninive na sila’y matinding paparusahan ng Diyos kapag hindi sila nagsisi. Ang hari at ang taumbayan ay nagsuot ng mga sako. Naglagay sila ng abo sa kanilang mga ulo. Nag-ayuno sila. At naglubag ang loob ni Yahweh. Sila’y hindi na Niya pinarusahan.

Sinasabi ni Jesus sa mga Judio sa kanyang panahon na sila rin ay dapat magsisi at kung hindi, sila’y di-maliligtas. Sinasabi rin sa atin ni Jesus na kailangan tayong magsisi upang tayo’y maligtas.

vuukle comment

DIYOS

JONAS

KAILANGAN

KUWARESMA

NINIVE

PAGHUHUKOM

SA ARAW

SA EBANGHELYO

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with