^

PSN Opinyon

Pangalagaan ang ilong

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa pinaka-importanteng parte ng katawan ng tao ay ang ilong kaya dapat na ito’y pangalagaan. May pagkakataon na may tumutubong tumor sa ilong na maaaring maging cancer kaya dapat na ito’y tanggalin at dito pumapasok ang tinatawag na nasal reconstruction. Ipinaliwanag ni Dr. Gil Vicente, nose, ear, throat, head and neck surgeon na ang prosesong ito ay gumagamit ng ‘‘flaps" na kinukuha sa noo kaya ang tawag dito ay ‘‘forehead flaps’’ na gagawing hugis ilong at kakailanganin ang dalawa hanggang tatlong beses na operasyon.

Ayon pa kay Dr. Vicente, ang nasal polyps ay isang laman na tumutubo sa loob ng ilong dulot ng infection, allergy at fungus. Ang pasyenteng meron nito ay nakararanas ng pagbabara ng ilong, mabahong sipon, nawawalan ng pang-amoy at masakit ang ulo at pisngi. Dapat na maagang mawala ang nasal polyps. Kung mapabayaan, patuloy ito sa paglaki at operasyon ang kakailanganin. Sa makabagong teknolohiya ay malayo na ang progreso ng panggagamot nito kaya’t minsan lang isasagawa ang operasyon.

Sinabi pa ni Dr. Vicente na sa pamamagitan ng nasal reconstruction ay mapapanumbalik ang anyo at hugis ng mukha kung kaya’t muling matatamo ng pasyente ang kasiyahan at pagtitiwala sa sarili.

Para sa karagdagang kaalaman sa nasal reconstruction at mga kaugnay na karamdaman sa ilong maaaring kumunsulta kay Dr. Vicente na nagki-clinic tuwing Lunes hanggang Biyernes sa Jose Reyes Medical Center mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali at mula alas-dos hanggang alas singko ng hapon ay nagki-clinic naman siya sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City.

AYON

BIYERNES

DAPAT

DR. GIL VICENTE

DR. VICENTE

ILONG

JOSE REYES MEDICAL CENTER

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with