Tinalo pa ang amo nitong si MIAA general manager Ed Manda kung mag-utos.
Si Ponsong Nganga ay sampid sa administrasyon ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi lang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO ay kung totoong bata nga siya ni GMA.
Inamin ni Manda na hindi niya bata si Ponsong Nganga.
Action officer sa airport si Ponsong Nganga kaya madalas itong makitang kasa-kasama ang ilang pasaherong Intsik na may dalang kaduda-dudang documents.
Paboritong eroplano ni Ponsong Nganga ang China Southern, Eva Air at PAL kasi dito kadalasan sumasakay ang mga Intsik niyang tinatrabaho.
Nang makilala ng mga kuwago ng ORA MISMO si Ponsong Nganga medyo normal ang takbo ng buhay nito. Ngayon nang mapunta sa NAIA, harabas boy ang dating kaya kung pumorma akala mo siya ang panginoon sa NAIA.
Madalas amoy alak ang bunganga at hindi nganga ang smell ni Ponsong Nganga kapag naka-duty ito sa NAIA.
"Kaya amoy alak at hindi nganga ang amoy ni Ponsong Nganga ay madalas ito sa mga karaoke bar sa QC habang nakakandong ang ilang tsik habang ngumangawa este mali, kumakanta pala ng Where do I begin?" sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
Tinitiktikan ngayon si Ponsong Nganga sa kanyang mga galaw sa airport para caught in the act kung sakali," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Malalim ang operasyon ni Ponsong Nganga, hindi lang sa airport," angil na sabi ng kuwagong fixer sa POEA." Kulang lang sa espasyo sa susunod na ikukuwento ko ang buhay ni Ponsong Nganga sa Chinatown."
"Ano ngayon ang dapat gawin kay Ponsong Nganga?"
"Huwag kang magmadali kamote. Hindi lulusot kay Mike Hinlo si Nganga kapag may kapalpakan itong ginawa."
"Ano ba ang ginagawa ni Ponsong Nganga sa NAIA ngayon?"
"Hayun, nagnganga-ngawa porke nabanatan ng mga kuwago."