^

PSN Opinyon

Tindahan sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MALAKI ang tindahang iyon sa nayon na may karatulang "TINDAHAN NATIN". Konkreto ang tindahan. May rehas na bakal sa harap. Napansin ko agad ang mga sako ng fertilizer sa loob ng tindahan na ang taas ng pagkakapatong ay abot sa kisame. Mukhang hindi pangkaraniwang tindahan ng fertilizer sapagkat sa loob ay may iba’t ibang kalakal.

Si Mang Asiong na tesorero ng kooperatiba ang nakita kong tao sa tindahan.

‘‘Maaari po bang bumili ng fertilizer?’’ bati ko kay Mang Asiong.

‘‘Aba, opo Doktor,’’ magalang na sagot.

‘‘Pero bago ako bumili e mayroon akong itatanong. Paano ba nag-umpisa ang tindahang ito?’’

Pinapasok ako sa loob ng tindahan at binigyan ng maiinom at saka ikinuwento ang lahat.

"Nag-umpisa kami sa mga pangkaraniwang pangangailangan gaya ng asukal, asin, sabon at iba pa. Nakita namin na pareho ang pangangailangan namin. Lahat kami ay namamasahe pa para pumunta sa bayan para mamili. Ang ginawa namin inilista ang lahat nang may kailangan. Napamura dahil maramihan at isa lang ang namamasahe patungo sa bayan.’’

‘‘Ano pa ang sumunod?"

"Dahan-dahang natuto kami sa paglista. Dumating ang punto na malaki na ang bilihin kaya itinatag ang tindahang ito. Noon din idinagdag ang fertilizer. Nang lumaki na ang kita nakapagpagawa kami ng ganito kalaki at konkretong gusali.’’

‘‘Parang madali,’’ sabi ko.

‘‘Kasi sinabi ko sa madaling paraan. Hindi ko binanggit ang sakit ng ulo at maraming sama ng loob na aming dinanas habang itinatayo ito.’’

Humanga ako sa sigasig ng taga-nayon at lalo kay Mang Asiong.

ANO

DAHAN

DOKTOR

DUMATING

HUMANGA

KASI

KONKRETO

LAHAT

MANG ASIONG

SI MANG ASIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with