Ang mga kababaihang nagdaranas ng mouth ulcers ay ipinapalagay na malaki ang kaugnayan nito sa kanilang menstrual cycle. Ang iba pang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng mouth ulcers ay ang dental problems tulad ng jagged edge at crumbling filling na nagdulot ng injury sa bibig. Itinuturong dahilan din ang infection.
Ang mga pagkaing mababa sa vitamin B ay isa rin sa itinuturong dahilan. Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin B ay ang gatas, patatas at wholegrains. Ang kakulangan sa zinc ay isa ring dahilan. Mayaman sa zinc ang wheatgerm, nuts, seeds, shellfish at eggs.
Ang folate ay kailangan upang mapanatili ang cell lining para maging malusog ang bibig. Matatagpuan ang folate sa dark green vegetables at whole grains. Kung kayo ay nagdaranas ng mouth ulcers, iwasan ang maalat at acidic foods na tulad ng pickles, boiled sweets at alcohol.