^

PSN Opinyon

Ano ang mouth ulcers?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ang mouth ulcers ay tinatawag ding apthous ulcers. Ito ay mahapding white spots na matatagpuan sa alinmang bahagi ng bibig. Ito ay kulay matingkad na pula, namamaga at maaaring tumubo singly or in clusters. Ang dahilan ng pagkakaroon ng mouth ulcers ay ang kakulangan ng iron, food sensitivities, allergies at emotional stress. Ang mouth ulcers ay maaari ring maging sintomas ng coeliac disease o crohns’ disease.

Ang mga kababaihang nagdaranas ng mouth ulcers ay ipinapalagay na malaki ang kaugnayan nito sa kanilang menstrual cycle. Ang iba pang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng mouth ulcers ay ang dental problems tulad ng jagged edge at crumbling filling na nagdulot ng injury sa bibig. Itinuturong dahilan din ang infection.

Ang mga pagkaing mababa sa vitamin B ay isa rin sa itinuturong dahilan. Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin B ay ang gatas, patatas at wholegrains. Ang kakulangan sa zinc ay isa ring dahilan. Mayaman sa zinc ang wheatgerm, nuts, seeds, shellfish at eggs.

Ang folate ay kailangan upang mapanatili ang cell lining para maging malusog ang bibig. Matatagpuan ang folate sa dark green vegetables at whole grains. Kung kayo ay nagdaranas ng mouth ulcers, iwasan ang maalat at acidic foods na tulad ng pickles, boiled sweets at alcohol.

BIBIG

DAHILAN

DISEASE

ITINUTURONG

MATATAGPUAN

MAYAMAN

MOUTH

ULCERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with