Hoy Julian, nabibingi na ako sa kapuputpot mo, sigaw ni Aling Menang na may-ari ng sari-sari store.
Para ho magising kayo.
Aba ang damuhong ito at akala yata ay tutulug-tulog ako. Baka hindi kita bilhan ng tinapay?"
Naku hwag po, sabi at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
Binuksan ni Julian ang garapon at binilang ang nalalabing tinapay doon. Ganoon pala ang sistema. Lalagyan niya ng sampung mamon ang garapon at pagbalik na lamang niya saka siya babayaran ni Aling Menang base sa mga naitinda nito. Kukunin naman ni Julian ang mga hindi nabiling tinapay.
Ano kaya ang ginagawa ni Julian sa lumang tinapay? tanong ko kay Aling Menang.
"Ipinagbibili niya sa ibang barrio, Doktor na kunwariy bago. Kung lumang-luma na ay tinutusta. Marunong ang taong iyan sa negosyo, sagot ni Aling Menang.
"Sa tinapay at sitsirya ay buhay na siya.
Hindi lang tinapay ang kanyang dala. Mayroon pang komiks at kapag umiikot sa bahay-bahay ay nagpapataya sa jueteng.
Kulang na lang ay sweepstakes.
Meron din siya niyon Doktor, malakas na tawa ni Aling Menang.