Tungkol sa pag-aayuno
February 15, 2002 | 12:00am
SA Ebanghelyo ngayon, si Jesus ay isinasalarawan bilang lalaking ikakasal. At ang sangkatauhan bilang babaeng ikakasal. Sa Ebanghelyo ngayon, may problema ang mga tagasunod ni Juan Bautista at ang mga Pariseo. Silay nag-aayuno ngunit ang mga tagasunod ni Jesus ay hindi nag-aayuno. May sagot si Jesus (Mt. 9:14-15).
"Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, Malimit kaming mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad? Sumagot siya, Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno. "
Kayo bay nakadalo na sa kasalan? Ang bawat isa sa handaan ay kumakain ng masasarap na pagkaing handa. Walang sinumang nag-aayuno o umiiwas na kumain. Bawat isa ay masaya. Tinugon ni Jesus ang mga kumokontra sa pamamagitan ng pagsabi na habang siya, ang lalaking ikakasal, ay kasama nila, ang kanyang mga alagad ay hindi inaasahang mag-ayuno. Tinuturuan sila ni Jesus na matutong tunay na magpakatao. Pinapahalagahan ni Jesus ang pagpapakatao. Dapat itaguyod ng mga alagad ang dangal ng tao. Yaon ang pananaw ng Diyos, pananaw ng Ama, para sa bawat nilalang na kanyang nilikha. At sinugo niya si Jesus upang ipakita kung paano maging tao at magpakatao.
Sa bandang huli, si Jesus ay maghihirap, magpapakasakit at mamamatay. Yaon ang panahon nang ang mga alagad ay mag-aayuno. Ang pag-aayuno, samakatuwid, ay paghahanda sa atin upang maging matatag sa harap ng mga pagsubok at mga hamon. Ang Kuwaresma ay panahon ng pag-aayuno at pagpapatatag sa ating mga sarili.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest