PEACe bonds kapalit ay kaguluhan
February 14, 2002 | 12:00am
NAIINIS ako tuwing mababasa ang kaguluhan tungkol sa kontrobersyal na Poverty Eradication and Alleviation Certificates o PEACe bonds na ngayon ay tampulan ng eskandalo at batuhan ng paninira ng magkakabilang bakod ng pulitika. Ang sentro nito ay si Finance Sec. Lito Camacho at kapatid na si Ma. Socorro Camacho Reyes na pangulo ng CODE-NGO.
Akalain nyo ba namang PEACe pa naman ang pinagmumulan ng gulo. Di ba ang gustong sabihin nito ay katahimikan at hindi kaguluhan? Isa pa, di ba maganda naman sana ang hangarin at layunin ng PEACe at ito ay tulungan at sugpuin ang kahirapan sa ating bayan? Bakit naman kaya kabaligtaran ang lumalabas ngayon?
Nagugulumihanan na ako sa mga nangyayari. Nasisiguro kong hindi lang ako ang natutuliro sa kaguluhang dulot ng PEACe bonds. Sabi ng mga nasa oposisyon, may graft and corruption daw na naganap sa transaksyon na ito at sabit diumano si Camacho. Hindi dapat na ma-confirm si Camacho at patalsikin na ito sa kanyang puwesto.
Marahil ay nagsasagawa na kayo sa mukha ni Camacho (kahit na pang-movie star ang hitsura niya) dahil sa panay ang labas niya sa TV at diyaryo at ipinaliliwanag ang kanyang panig. Nagpahayag ng kanyang pagsuporta kay Camacho si Ate Glo. Sinabi ni GMA na hindi niya aalisin si Camacho kahit na ano pa ang mangyari. Matindi ano?
Ang nakapagngingitngit ay hindi lamang ito ang kalokohang nakapagpapabagsak sa ating bansa na imbes na magtulung-tulong ang mamamayan upang maitaas ang nakalugmok na kalagayan ay tayo pa mismo ang nagpapalubog dahil sa mga personal na interes. Kapag nagtagal pa baka "mag-adios patria adorada..." na tayong lahat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended