^

PSN Opinyon

Ang Valentine's Day ay di lamang sa magsiyota

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKAS ay Valentine’s Day. Natatanging araw sa mga magsiyota. Subalit ang Valentine’s Day ay hindi lamang para sa magkasintahan. Ito’y para rin sa mga mag-asawa, mag-iina, mag-aama, magkakapatid, magkakaibigan at sa lahat ng mga nagmamahal at may minamahal sa buhay.

Tiyak na magiging mabili na naman ang roses na inihahandog ng binata o nagkukunwaring binata sa kanyang nililiyag. Bukod sa bulaklak, nagpapadala rin ang binata ng Valentine’s card na naglalaman ng matatamis na pananalita.

Bukas ay maraming magsiyota ang magde-date. Kakain sila sa restawran o sa turu-turo depende sa budget nila at para sa mga sosyal meron silang dinner by candlelight sa 5-star hotel. May mga magdo-double-date. May manonood ng sine at tapos ay biglang liko sa motel para lubusang damahin ang init sa magdamag.

Sa puntong ito ay nananaig sa akin ang pagiging ina. Muli kong pinaaalalahanan ang mga kadalagahan na huwag ganap na magtiwala sa tamis ng dila ng nobyo. May mga kaso na kapag matapos makuha ng lalaki ang hangad sa babae, iniiwan na. Masuwerte ang mga babae kung matigas ang paninindigan ng kanyang nobyo at handa siyang pakasalan. Ito’y isang sugal, lalo na sa kababaihan.

BUKAS

BUKOD

KAKAIN

MASUWERTE

MULI

NATATANGING

SUBALIT

TIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with