Nagkaroon ng alitan nang madiskubre ng grupong may dalawang turnong 12 oras na mas malaki ang karagdagang suweldong binibigay sa grupong may tatlong turnong walong oras. Ayon sa kanila, dahil lahat silay nagtatrabaho mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-kuwatro kinabukasan, dapat pareho ang kanilang tinatanggap. Ayon naman sa kompanya, kusang-loob lang daw naman ang pagbayad nila ng karagdagang suweldo. Wala raw karapatan ang mga trabahador dito dahil pakyawan sila batay sa dami ng niyog na natatalupan at nabibilang. Tama ba ang kompanya?
Mali. Nakipagkasundo ang kompanya sa unyon na bibigyan ang mga trabahador ng karagdagang bayad sobra sa walong oras kahit na pakyawan ang suweldo ng mga ito. Itoy nangangahulugan ng umaayon sila sa layunin ng eight hour labor law" kaya dapat pare-pareho ang karagdagang bayad na binibigay nila para sa panggabing turno ng bawat grupo. Bukod dito hindi naman tunay na pakyawan ang mga manggagawa. May takdang oras sila ng trabaho na walong oras o 12 oras bawat turno. Binabayaran sila sa dami ng oras ng paninilbihan hindi lamang sa dami ng trabahong natatapos. Wala silang laya sa dami ng oras ng trabaho. (Red V. vs. CIR 17 SCRA 553).