^

PSN Opinyon

Kaso ng mga trabahador sa koprahan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng 800 kataong nagtatalop at nagbibilang ng niyog at bao sa isang koprahan sa Quezon. Nahahati sila sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay nagtatrabaho ng tatlong turnong tig-walong oras mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali; alas-dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi; alas-otso ng gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga sa susunod na araw. May grupong nagtatrabaho ng dalawang turnong 12 oras mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon at mula sa alas-kuwatro ng umaga kinabukasan. Sila’y sinusuwelduhan base sa bilang ng niyog na natatalupan at nahahakot. Kasapi sila sa unyon na may kasunduan sa kompanya na babayaran sila ng karagdagang suweldo sa pang-gabing trabaho.

Nagkaroon ng alitan nang madiskubre ng grupong may dalawang turnong 12 oras na mas malaki ang karagdagang suweldong binibigay sa grupong may tatlong turnong walong oras. Ayon sa kanila, dahil lahat sila’y nagtatrabaho mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-kuwatro kinabukasan, dapat pareho ang kanilang tinatanggap. Ayon naman sa kompanya, kusang-loob lang daw naman ang pagbayad nila ng karagdagang suweldo. Wala raw karapatan ang mga trabahador dito dahil pakyawan sila batay sa dami ng niyog na natatalupan at nabibilang. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Nakipagkasundo ang kompanya sa unyon na bibigyan ang mga trabahador ng karagdagang bayad sobra sa walong oras kahit na pakyawan ang suweldo ng mga ito. Ito’y nangangahulugan ng umaayon sila sa layunin ng ‘‘eight hour labor law" kaya dapat pare-pareho ang karagdagang bayad na binibigay nila para sa panggabing turno ng bawat grupo. Bukod dito hindi naman tunay na pakyawan ang mga manggagawa. May takdang oras sila ng trabaho na walong oras o 12 oras bawat turno. Binabayaran sila sa dami ng oras ng paninilbihan hindi lamang sa dami ng trabahong natatapos. Wala silang laya sa dami ng oras ng trabaho. (Red V. vs. CIR 17 SCRA 553).

vuukle comment

ALAS

AYON

BINABAYARAN

BUKOD

KUWATRO

ORAS

RED V

SILA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with