^

PSN Opinyon

Talong ni Titong

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
DINALAW ko sina Titong at Neneng sa bago nilang nilipatang lugar sa nayon. Doon na ako pinakain ng tanghalian.

Masarap ang kanin sapagkat milagrosa. Mabango. Lalo akong nasarapan sa pagkain nang maghain ng bagong ihaw na talong si Neneng.

‘‘Naku, ang daming ulam. Hindi ako sanay sa maraming putahe. Saan ninyo kinuha ang talong?’’

‘‘Mayroon akong sistema ng pagtatanim ng talong para buong taon ay may ulam kami Doktor,’’ sagot ni Titong.

‘‘Huwag mong kuwentuhan si Doktor at naaabala sa pagkain. Kumuha pa kayo ng kanin Doktor. Masarap ang talong sapagkat bagong pitas," sabi ni Neneng.

‘‘Ibida mo nga sa akin Titong ang sekreto mo sa pagtatanim ng talong,’’ mungkahi ko.

‘‘Kumain ka muna Doktor at mamaya, dadalhin kita sa taniman ko ng talong."

Pagkatapos naming kumain ay dinala nga ako ni Titong sa likod ng bahay. ‘‘Eto ang sekreto kong talong.’’

"Puro naman talong ito,’’ sabi ko. ‘‘Nasaan ang sekreto?’’

‘‘Nasa pagtatanim. Sampung talong ang sabay-sabay kong itinatanim. Sa takdang gulang, inihihinto ko ang pag-abono sa anim na punong talong samantalang ang apat ay dinidiligan ko dalawang beses isang araw at binibigyan ng sapat na pataba hanggang magbunga. Pag naubos na ang bunga ay isinusunod ko nang lagyan ng pataba ang anim na talong para pabungahin. Sa ganitong paraan, mayroon akong talong araw-araw sa panahong wala o bihira sa iba.’’

‘‘Magaling,’’ sabi ko. ‘‘Ikaw pa lang siguro ang nakagagawa niyan.’’

‘‘Marahil Doktor at dahil diyan, nakararaos kaming mag-anak."

Humanga na naman ako kay Titong.

DOKTOR

ETO

HUMANGA

HUWAG

IBIDA

MARAHIL DOKTOR

MASARAP

NENENG

TALONG

TITONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with