^

PSN Opinyon

Pulis protesta

SAPOL - Jarius Bondoc -
Kung merong pulis-patola, meron ding pulis protesta. Ito ‘yung mga pulis na naglulundagan sa tuwa na parang mga matsing dahil pinatigil ng Napolcom ang paglipat sa kanila.

Halos 400 sila sa Western Police District. Pinatatapon sana sila sa Cagayan at Bicol ni PNP Dir. Edgardo Aglipay, hepe ng Metro Manila. Papano naman, sa loob ng tatlong buwan, parati silang absent o late sa flag ceremony tuwing Lunes. Kung sumipot man, hindi naka-uniporme.

Lahat ng taga-gobyerno, nagtitipon sa may flagpole tuwing Lunes. Sumusumpa sila sa watawat at nakikinig sa speeches. Naka-barong o terno o makisig na bihis. Batas iyon. Exempted lang kung may misyon sa labas ng opisina at may pahintulot ng hepe.

‘Yung 400 na Manila’s Finest kuno, ayaw sumunod sa batas. Pulis pa naman. Kung simpleng flag ceremony lang ay ayaw nilang siputan at uniform lang ay ayaw isuot, ano’ng klaseng disiplina meron sila? Tiyak, sila ‘yung mangingikil sa kalye, o siga-siga sa komunidad, o protektor ng drug at jueteng lords.

Katwiran nila, hindi raw sila binigyan ni Aglipay ng chance na magpaliwanag. Basta itinapon na lang daw sila. Sa loob ba naman ng tatlong buwan, hindi pa sila nagbago. Di pa ba sapat na katibayan ‘yon ng katigasan ng ulo at kabastusan sa tungkulin?

Kung ganyan ang awtoridad, ano pa ang aasahan sa ordinaryong citizens? Hayan, ginagayang parang mga matsing na tiwaling jeepney drivers ang mga pulis-protesta. Nagbabanta silang magwelga kung hindi babawiin nina MMDA chairman Benjamin Abalos at LTO chief Roberto Lastimoso ang balak na pagkumpiska ng lisensya sa ikatlong pagkahuli sa loob ng isang taon. E, pinatutupad lang naman ang batas.
* * *
Papano gagamitin ang Philhealth para makamenos-gastos sa gamot, doktor, ospital at lab tests? Alamin mamayang 11:30 ng gabi sa Linawin Natin sa IBC-13. Guests: Philhealth chief Francisco Duque, Dr. Ed Clemente ng Capitol Medical Center at Dr. Florante Lomibao ng Heart Center.

BENJAMIN ABALOS

CAPITOL MEDICAL CENTER

DR. ED CLEMENTE

DR. FLORANTE LOMIBAO

EDGARDO AGLIPAY

FRANCISCO DUQUE

HEART CENTER

LINAWIN NATIN

METRO MANILA

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with