Bakit may mga lalaking impotent?

Isa sa mga karaniwang pinuproblema ng mga kalalakihan ay ang kawalan ng kakayahan nilang magpaligaya sa kanilang sex partner. Isa sa mga dahilan ay hindi sila "tinitigasan" o walang erection. Nagiging inutil sila o impotent. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang pagiging impotent ng lalaki at sangkot dito ang physical, psychological at emotional disorders.

Sa physical disorders, mababanggit ang mga sakit na kinabibilangan ng atherosclerosis, diabetes, thyroid disorders, sakit sa nervous system, urinary tract at genitals. Dahilan din ang mga hypertensive drugs.

Ang impotence ay resulta ng matinding stress, fatigue, anxiety, guilt, embarassment at depression. Pinalulubha ito ng paninigarilyo, pag-inom ng sobrang alak at caffeine. Ipinapayo sa mga kalalakihan na itigil ang mga bisyong nabanggit upang huwag lumala ang pagka-impotent. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay nagdudulot para pahigpitin ang mga ugat at magbabara. Ang alcohol ay nagre-reduce sa nerve signals at ito ang rin ang dahilan para mapigilan ang production ng male hormone androgen.

Sa isang pag-aaral, napatunayan naman na ang mga kalalakihang may mataas na cholesterol ay maaaring maging impotent. Ang cholesterol ay bumabara sa mga ugat patungo sa penis at nagiging dahilan para mabawasan ang daloy ng dugo at hindi na magkakaroon ng erection. Upang mabawasan o maiwasan ang high cholesterol levels, kinakailangang kumain ng sariwang gulay at prutas at whole grains. Kumain ng mga pagkaing mababa sa saturated fat gaya ng butter at hand cheeses. Katamtamang dami lamang ng lean meat ang kainin.

Show comments