With feelings kapag kinanta ni Sacramento ang kantang ito at dedicated pa kay House Speaker Jose de Venecia. At hindi rin pahuhuli ang mga opisyales ng EPD dahil may sarili rin silang paboritong kanta bilang sagot sa Exodus ni Sacramento. Nakalimutan ko na ang pamagat ng kanta subalit may parte ng lyrics nito na ganito, I, I who have nothing. Get nyo mga suki?
Kung ang joke na ito ay nagkatotoo sa totoong-buhay sa tingin ko may malaking problema itong si Sacramento. At kung hindi niya babaguhin ang sistemang pinaiiral niya sa EPD maaring ang pangarap niyang estrelya ay maglalaho na parang bula. Ika nga ay abot-kamay na nga eh naging bato pa. Sa EPD kasi, isa lang ang naupo roon na hindi naging heneral at ito ay si Senior Supt. Dionisio Coloma. Susundan kaya ni Sacramento ang yapak ni Coloma? Ang higher headquarters lang ng pulisya ng Camp Crame at hindi si JDV ang makasasagot niyan.
Kung tatanungin kasi ang mga opisyales ng EPD sa ngayon, iisa lang ang kanilang sasabihin, at yon nga ay wala silang direksiyon. Hmmm. Mukhang may mali nga sa liderato ni Sacramento ah, di ba mga suki? Kaya nagngingitngit ang mga EPD officials ay dahil tinanggalan sila ng karapatan ni Sacramento sa kampanya nito laban sa jueteng at iba pang mga sugal.
Ang kautusan kasi ni Sacramento, itong si SPO3 Rafael Paeng Palma lang ang bibigyan ng mga jueteng operators ng intelihensiya sa kanyang sakop. Si Paeng Palma ay nakatago sa opisina ni Supt. Sukarno Ikbala, hepe ng Mandaluyong City police. Kamag-anak kaya ni Sacramento si Ikbala kaya nagtatakipan sila? He-he-he! Kayo na ang maghusga mga suki. Sa katunayan, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabalik sa dati niyang pag-iisip itong si Supt. Floromo Bolaton, hepe ng comptroller ng EPD. Hindi niya alam kung paano babayaran ang nawawala niyang pondo. Lalong nakakalbo itong si Bolaton habang palapit nang palapit ang araw ng kanyang pagretiro.
Hindi lang yan. Pati pala napakaliit na supply ng EPD tulad ng bond paper, fastener, folder at iba pa ay pinakialaman na rin ni Sacramento. Kung sa mga nakaraang administrasyon ay sagana ang mga opisina sa supply sa ngayon ay pira-piraso na lang. Ano ba yan? Eh itong EPD ay kandidato pa naman sa Best Police District award. Pero ito ay dahil sa performance ni Chief Supt. George Aliño ang pinalitan ni Sacramento. Kung sabagay hindi pa naman huli ang lahat para kay Sacramento. May mahaba pang panahon para siya magbago. Abangan.