Hindi permanenteng mga magsasaka
February 5, 2002 | 12:00am
SA ilalim ng Labor Code (Art. 280) ang isang manggagawang nagserbisyo na nang isang taon o higit pa ay itinuturing na permanente na kahit hindi tuluy-tuloy ang pagtatrabaho. Ito ang ibig gamitin ni Ben at ng kanyang mga kasamahan.
Si Ben at ang kanyang mga kasamahan ay nagtatrabaho sa 20 ektaryang lupa ni Donya Consuelo na tinataniman ng palay at tubo. Sila ang gumagawa ng ibat ibang pansakahang trabaho sa loob ng takdang panahon. Pagkatapos ng panahon, nagtatrabaho pa rin sila kung may ipagagawa pa si Donya Consuelo.
Ngunit pagkaraan ng maraming taong pagtatrabaho hindi na uli kinuha sina Ben upang gumawa sa lupa ni Donya Consuelo. Kaya nagdemanda sina Ben. Sila raw ay permanente nang mga magsasaka ni Donya Consuelo kahit pana-panahon lang silang gumagawa. Maraming taon na silang nagsasaka dito. Kaya lahat daw ng prebihileyo at karapatan ng isang regular na trabahador ay dapat mapasakanila lalo na ang kaseguruhan ng kanilang hanapbuhay bilang magsasaka. Tama ba sina Ben?
Mali. Ang nasabing batas ay tumutukoy lang sa mga trabahador na gumagawa ng karaniwang negosyo ng pinaglilingkuran at hindi yung mga nagtatrabaho ng pana-panahon o ng bawat proyekto lang. Kapag ang trabaho ng isang manggagawa ay sa isang proyekto lang o kung ang trabaho niya ay pana-panahon lang, ang trabaho ay natatapos sa pagtapos ng bawat proyekto o panahon. Kaya hindi magagamit nila Ben ang nasabing batas kung saan dapat permanente at regular na sila dahil higit na isang taon na silang paulit-ulit na nagsasaka. (Mendoza vs. Court of Appeals 201 SCRA 332).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended