Jun Zuñiga bagong jueteng king ng Metro Manila; Gen.Aglipay, sampolan mo
February 4, 2002 | 12:00am
Talamak na ang jueteng operations sa Metro Manila at mukhang namamaos na sa kasisigaw itong si Dir. Edgar Aglipay, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sawatain ito subalit hindi kumikilos ang pulisya.
Sa katunayan, nagsulputan na rin ang mga bagong financiers ng jueteng tulad ni Jun Zuñiga sa Muntinlupa City kaya ibig sabihin nito tuloy na naman ang ligaya para sa lahat ng naambunan nito ng grasya. Kaya kahit anong balasa pa ang gagawin ni Aglipay sa kanyang mga tauhan, mga inutil pa rin sila pagdating sa kampanya laban sa jueteng. May ibubuga kaya itong sina Supt. Louie Palmera at Chief Insp. Dionardo Carlos, ang bagong hepe ng regional intelligence at Regional Mobile Group (RMG)? May kasagutan tayo dito sa susunod na araw, mga suki.
Sino kaya ang nasa likod nitong si Zuñiga at nakuha niyang patalsikin ang Metro Manila jueteng king na si Tony Santos sa puwesto? Matatandaan na si Santos ang namayagpag sa siyudad ni Mayor Jaime Fresnedi noong isang taon. Maliwanag na nasulot ni Zuñiga si Santos at maaaring may blessings ito ni Fresnedi. Ang may hawak ng national na intelihensiya ni Zuñiga ay ang isang Ito Dayanghirang.
Palaging makikita sa headquarters ni Dir. Nestorio Gualberto, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame itong si Dayanghirang, anang nakausap kong pulis. At hindi lang iyan. Mukhang gusto ring mag-expand ng operation itong si Zuñiga. Aba, gusto pa nitong pasukin ang Pangasinan, ang hometown ni House Speaker Jose de Venecia.
Nagkausap kasi itong si Zuñiga at mga supporters niyang pulis sa Classmate nightclub sa Quezon City noong nakaraang Lunes at napagkasunduan na papasukin nila ang balwarte ni Supt. Boogie Mendoza, ang PNP provincial director ng Pangasinan. Ang kukunin ni Zuñiga ay ang District 4, 5 at 6. Isa sa mga dumalo sa meeting ay ang retiradong pulis na kolektor ng intelihensiya ni Gualberto sa jueteng sa probinsiya.
Ibig sabihin nito, susulutin din ni Zuñiga ang puwesto ng takbuhing gambling lord na si Romy Lajara. Pero, panatag ang loob ng mga umattend ng meeting na hindi kikibo itong si Lajara dahil dati pala itong empleado ni Zuñiga. Si Zuñiga pala ay dati ng luminya sa jueteng bago ito mag-abroad. Sa kanyang pagbabalik, gusto niyang mamuhunang muli at sa Muntinlupa siya unang nagbukas. Maganda naman ang operasyon ni Zuñiga sa siyudad ni Fresnedi dahil balita ko kumukubra na ito ng aabot P450,000 sa isang araw. Kung tahimik lang ang hepe ng Muntinlupa police ukol kay Zuñiga, alam na natin kung bakit, di ba mga suki?
Sana utusan ni Aglipay itong sina Palmera at Carlos na wasakin itong jueteng operations ni Zuñiga sa Muntinlupa City ng sa gayon maniniwala ang sambayanan na may pangil ang kautusan niyang linisin ang Metro Manila ng anumang uri ng sugal. Gawin mong sampol si Zuñiga General Aglipay para lalong bumango ang inyong pangalan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended