Bakuna laban sa polio bukas

BUKAS (Pebrero 2) ay sisimulan ang pambansang pagbabakuna laban sa polio. Uulitin ito sa Pebrero 8. Ang mga batang wala pang limang taong gulang ay bibigyan ng immunization laban sa polio. Nationwide ang proyektong ito ng Department of Health (DOH) ayon kay Secretary Manuel Dayrit. Magkakaroon ng door-to-door patak center sa mga rehiyon ng bansa.

Sa mga ina ay ipinapayo na huwag nang hintayin ang DOH task force kontra polio na pumunta sa inyong bahay. Mas mainam na ang mga nanay ang mismong magdala ng kanilang mga anak sa mga health centers para sa polio immunization. Bukod sa siguradong maaasikaso kaagad, malalaman pa ang health needs ng mga bata at mabibigyan pa ng pagkakataon na mas maraming mapaglingkuran ang mga vaccination teams.

Ang pagbabakuna ay libre. Ang mga patak centers ay bukas araw-araw mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Ang paalaala tungkol sa pagbabakuna laban sa polio virus ay inia-announced na maging sa mga simbahan, pampublikong plasa, liwasan at pasyalan. Ang BANTAY KAPWA ay kabilang sa mga nananawagan para ang mga bata ay mabigyan ng bakuna sa polio.

Show comments